TATAKBO BA? TV Host Willie Revillame,nagsalita na tungkol sa di umano plano nitong pag-alis sa Wowowin para sa isang ‘malaking desisyon’


Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa plano ng TV Host na si Willie Revillame na pag-alis sa Wowowin para umano sa isang malaking desisyon.

Matatandaan na nitong nagdaang araw ay hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Willie Revillame na tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon.

Nasabi ito ng Pangulo dahil sa katangian umano ni Willie Revillame na matulungin sa kapwa at hindi nagdadal4wang isip na tumulong sa mga mahihirap.

“Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” ani pa ni Pangulong Duterte.

Kaya naman sa isang episode ng kany4ng programa na Wowowin, sinabi nito na mayroon siy4ng mahalagang desisyon na gagawin sa kany4ng buhay.

Sinabi rin nito na sakaling umalis siya sa Wowowin ay sana mayroon umanong pumalit sa kanya.

“Sa tamang panahon sasabihin ko ho yung magiging desisyon ko at sasabihin ko ho dito sa programang ito,” ani pa ng tv host.

“Mawala man ako, gusto ko meron pa rin isang host na makakausap niyo. Kung sakali hong iyon ang magiging desisyon ko sa buhay ko, e, mabigat. Pagdadasal ko ‘tong mabuti. Pag-iisipan ko ‘tong mabuti,” dagdag pa nito.

“Itong programang ‘to, dapat ho laging nandiyan, mawala man ako sa mundo.” sabi pa ni Willie.

Hindi pa nagbig4y ng ibang detalye ang tv host kung ano ang “malaking desisyon” na gagawin niya.


TATAKBO BA? TV Host Willie Revillame,nagsalita na tungkol sa di umano plano nitong pag-alis sa Wowowin para sa isang ‘malaking desisyon’ TATAKBO BA? TV Host Willie Revillame,nagsalita na tungkol sa di umano plano nitong pag-alis sa Wowowin para sa isang ‘malaking desisyon’ Reviewed by Pinoy Trends on July 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.