LUMALA PA? Tricycle driver na si Angelito Martin, nagtinda pa ng frozen goods noon para makakuha ng pampagamot "May Bagong Reklamo!"


Hanggang ngayon ay pinag uusapan parin sa social media ang ginawang pagpapahuli ng celebrity TikToker na si Hazel Edep sa tricycle driver na si Angelito Martin.

Matatandaan na si Angelito ang nakapulot ng cellphone ni Hazel ngunit humihingi daw ang tricycle driver ng malaking halaga kapalit ng pagsasauli ng nasabing device sa TikToker.

Ngunit ayon sa mga kaanak ng suspek ay mabuting tao si Angelito at hinding hindi nito magagawa na gumawa ng masama sa kanyang kapwa.

Ibinahagi pa nila na noong nakaraang buwan lamang ay nag aalok alok pa ito ng frozen goods para magkaroon siya ng pera pambili ng gamot.

“Mga friends ko order na po kayo para may pambili po ako ng gamot ko hindi pa maka biyahe. Salamat po,” ani Angelito sa kanyang post noong June 27.


May ilang kaibigan si Angelito na inatake ito ng stroke kaya’t hindi ito makapamasada ng tricycle.

Hanggang ngayon ay iniimbistahan parin kung totoo nga bang gumawa ng masama si Angelito sa kanyang kapwa.

Samantala ay lalo pang naging kumplikado ang isyu ng may lumabas na bagong complainant laban sa grupo ni Angelito at sinasabi na nabiktima narin siya ng tricycle driver noong 2019.

Kung noon ay marami ang nagpapakita ng suporta kay Angelito ay unti unti ng nagbabago ngayon ang komento ng mga tao dahil sa sinabi ng mga bagong complainant.

Ayon sa complainant na si Maritess ay naalala niya pa daw ang mukha ng grupo ni Angelito na bumiktima sa kanya noong 2019 sa Divisoria.

Maiyak iyak pa ang complainant habang sinasariwa ang pagkawala ng kanyang 20,000 pesos na inutang niya lamang.


LUMALA PA? Tricycle driver na si Angelito Martin, nagtinda pa ng frozen goods noon para makakuha ng pampagamot "May Bagong Reklamo!" LUMALA PA? Tricycle driver na si Angelito Martin, nagtinda pa ng frozen goods noon para makakuha ng pampagamot "May Bagong Reklamo!" Reviewed by Pinoy Trends on July 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.