PANOORIN: Navideohan ng mga Netizens ang Lagpas-Taong Baha sa Oriental Mindoro dala ng Bagyong Fabian


Napanatili pa rin ng bagyong ‘Fabian’ na may international name na ‘In-fa’ ang lakas nito habang kimikilos sa karagatan ng Batanes nitong Huwebes.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 525 kilometro Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.

Higit 500 pamilya ang inilikas sa Oriental Mindoro dahil sa pagbaha bunsod ng walang humpay na pag-ulan na dala ng hanging habagat, na pinalalakas ng bagyong #FabianPH Biyernes

Pinakaapektado ang Barangay Arangin sa bayan ng Naujan, kung saan umabot na ang baha sa bubong ng ilang bahay, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Para kay Mayor Mark Marcos, ito ang pinakamalalang pagbaha na kanilang naranasan.

Bukod sa Naujan, lubha ring apektado ng pagbaha ang bayan ng Baco at lungsod ng Calapan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Taglay nito ang lakas ng hanging 150 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bgsong hanggang 185 kph habang kimikilos pa-Kanluran Timog Kanluran. 

Isinailalim na ng PAGASA sa signal No. 1 ang Batanes at Babuyan Islands. 

Babala ng PAGASA, inaasahang mararanasan ang habagat sa malaking bahagi ng Luzon sa susunod na 24 oras .









Kabilang sa makararanas ng epekto ng southwest monsoon ang Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Metro Manila, the rest of Ilocos Region, Abra, Benguet, Pampanga, Bulacan, Southern Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Northern Palawan, kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands.

Inaasahang kikilos ang bagyo pa-Kanluran sa susunod na 12 oras at pagkatapos ay kikilos din ito pa-Hilagang Kanluran hanggang Biyernes ng gabi. 

Sa pagtaya pa ng ahensya, lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga patungong Mainland China.


PANOORIN: Navideohan ng mga Netizens ang Lagpas-Taong Baha sa Oriental Mindoro dala ng Bagyong Fabian PANOORIN: Navideohan ng mga Netizens ang Lagpas-Taong Baha sa Oriental Mindoro dala ng Bagyong Fabian Reviewed by Pinoy Trends on July 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.