PANOORIN: Aj Raval nakatikim ng Sermon ng amang si Jeric Raval dahil sa Sexy Carwash Video na Nag Viral!


Viral ulit ngayon ang vlog ni AJ Raval sa social media. Si AJ ang isa sa mga pinakasikat na rising sexy stars ngayon sa showbiz industry. Anak siya ng beteranong action star na si Jeric Raval. Sinundan niya ang yapak ng ama matapos sumabak sa pag-arte bilang isang sexy star, at agad namang lumago ang kanyang fan base.

Nitong nakaraang buwan lamang, ipinakita ni AJ kung paano niya linisin ang kanyang kwarto. Isang linggo pa lamang simula nang i-upload ito ni AJ, ngunit sino nga ba namang mag-aakala na aabot ito ng milyon-milyong views? Sa katunayan, sa ngayon ay mahigit 7.1 million views na ang kanyang vlog

At dahil sa success ng kanyang video, muli na namang nagbahagi ng bagong vlog ang 20-anyos na aktres.

Sa pagkakataong ito, ginawa naman niya ang most-requested carwash video niya, kung saan hinugasan at nilinis niya ang sasakyan ng kanyang kuya. Talagang nakakaakit ang suot ni AJ na isang manipis na kamison lamang.

Agad namang nag-viral sa social media ang carwash video na ito ni AJ Raval. Sa katunayan, sa ngayon ay mag-iisang milyon na ang views nito sa Youtube!

Pang-anim rin ito sa trending videos sa platform. Ngunit maraming netizens rin ang nakapansin sa reaksyon ni Jeric Raval tungkol sa bagong vlog na ito.

Bago matapos ang video, makikita ang action star na lumabas ng kanilang bahay para sitahin ang kanyang anak. Ayon dito, hindi naman niya kailangang magsuot ng manipis na damit sa paglilinis ng kotse.
Nagbiro pa ito na kung sinisipag si AJ, mas mabuti pang linisin niya na rin ang iba nilang sasakyan.

Sa kanyang nakaraang interview, inamin ni Jeric na hindi siya sang-ayon sa pagpapa-sexy ng kanyang bente anyos na dalagita. Ngunit dahil nasa legal na edad na ito, wala rin siyang magawa kung nais man nitong tahakin ang mundo ng showbiz.




PANOORIN: Aj Raval nakatikim ng Sermon ng amang si Jeric Raval dahil sa Sexy Carwash Video na Nag Viral! PANOORIN: Aj Raval nakatikim ng Sermon ng amang si Jeric Raval dahil sa Sexy Carwash Video na Nag Viral! Reviewed by Pinoy Trends on July 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.