LOOK: Isko Moreno, nagpulot ng basura sa San Andres Sports Complex sa harap ng mga dapat ay naglilinis doon


Hindi nakatiis si Mayor Isko Moreno at ipinakita niya na kaya niya parin gawin ang mga trabaho na ginawa niya noong kabataan niya.

Sa isang video ng DZRH ay makikita ang alkalde ng Maynila habang tumutulong siya sa paglilinis ng San Andres Sports Complex.

Tila hindi din maganda ang timpla ang alkalde dahil kaya pala siya nagpupulot ng basura doon ay naabutan niya kasi na hindi ginagawa ng mga naglilinis doon ang kanilang trabaho.

Mismong ang alkalde ang pumulot ng basura gamit ang kanyang kamay sa harapan ng mga dapat ay naglilinis talaga ng nasabing Sports Complex.

Sinubukan siyang tulungan sa paglilinis ngunit tila hindi ito nagustuhan ng alkalde at sinabi na siya na lamang ang gagawa ng trabaho.

“Ibaba mo nalang pare kasi kanina pa kayo nandito,” ani Moreno.

“Kayo nakatambay lang dito, kung may malasakit kayo hindi niyo makikita ‘yang ganyan,” dagdag niya pa.

“Hindi kayo kailangan laging utusan,” 

Makikita na padabog narin ang ginagawang paglilinis ng alkalde dahil sa init ng ulo nito sa ginawang kapabayaan ng mga nakatoka sa complex.

Hindi nalang nakaimik ang mga trabahante doon.

Sa ngayon ay binabaha ang ilang lugar sa Maynila kaya naman hindi magkandaugaga ang alkalde sa paglilibot sa kanyang siyudad para asikasuhin ang mga problema ng kanyang nasasakupan.

Isa si Moreno sa mga posibleng kandidato para sa pinakamataas na posisyon sa susunod na taon.


LOOK: Isko Moreno, nagpulot ng basura sa San Andres Sports Complex sa harap ng mga dapat ay naglilinis doon LOOK: Isko Moreno, nagpulot ng basura sa San Andres Sports Complex sa harap ng mga dapat ay naglilinis doon Reviewed by Pinoy Trends on July 21, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.