HANDA NA? Jinkee Pacquiao sa pagiging ‘first lady’ ng bansa: “Hindi naman masamang mangarap”


Dahil usap usapan ang posibleng pagtakbo ng senador Manny Pacquiao ay hindi napigilan ng talent manager na si Annabelle Rama na tanungin ang kanyang kaibigan na si Jinkee Pacquiao kung handa na nga bang maging first lady ang asawa ng pambansang kamao.

Sa artikulo na inilathala ng Philippine Star nitong July 7 ay ibinunyag ni Annabelle na malapit na kaibigan ng mga Pacquiao ay sagot ni Jinkee tungkol sa posibleng pagiging first lady niya.

Sagot ni Jinkee kay Annabelle ay sana’y magdilang anghel daw ito.

“Sabi ko kay Jinkee, ‘Day, ready ka ba maging First Lady?’ Tumawa lang, ‘Tita naman, sana magdilang anghel ka,’ sabi sa akin. ‘Siempre, (di) naman masamang mangarap,’ sabi niya, ‘pero wala pa sa ulo ko yan.’” kwento ng talent manager.

Samantala ay sinabi din ni Pacman kay Annabelle na naghihintay pa siya ng mensahe mula sa itaas para sa desisyon nito sa susunod na taon.


“Pero kasi yung presidente, destiny yan, sabi niya. ‘Pag binigay sa akin sa itaas, tatanggapin ko ng maayos. Pero ‘pag wala talagang sign for me to be in a higher position, di naman ako nagmamadali, sabi niya sa akin.”.

Matatandaan na nagkapalitan ng batikos si Pacquiao at ang Pangulo dahil sa usapin sa korapsyon kaya naman nanganganib na hindi makatanggap ang pambansang kamao ng suporta mula sa popular na Presidente.

Mayroon narin namang karanasan sa public service si Jinkee matapos itong maging Vice Governor ng Saranggani Province mula 2013-2016.

Nag desisyon itong magretiro dahil sa gusto niya na lamang pagtuunan ng pansin ang kanyang asawa’t anak.


HANDA NA? Jinkee Pacquiao sa pagiging ‘first lady’ ng bansa: “Hindi naman masamang mangarap” HANDA NA? Jinkee Pacquiao sa pagiging ‘first lady’ ng bansa: “Hindi naman masamang mangarap” Reviewed by Pinoy Trends on July 21, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.