Dapat bang Mag Sorry? Pangulong Duterte, Kailangan mag sorry kay Manny Pacquiao: “Mas edukado pa nga si Pacquiao”


Naniniwala ang kampo ni Senador Manny Pacquiao na kailangang humingi ng tawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanyag na boksinghero dahil sa mga naging pahayag nito.

Ayon kay Monico Puentevella, dating representante ng Bacolod ay ginawa daw ni Pacquiao ang lahat upang makipagkita kay Pangulong Duterte para makipag usap sana sa mga nangyayaring korapsyon sa gobyerno.

Ngunit imbis daw na makipag usap ay hindi daw ito pinansin ng Pangulo at ang masaklap pa dito ay nakatanggap pa ng masasakit na salita si Pacquiao mula sa kanyang kaalyado.

“Tapos marinig mo sa ibang programa sinabi ni presidente, ito si Pacquiao ‘di marunong magbasa, tapos may mga mura pa. I expect even if you are the president, for a senator na minura mo, at least you owe him an apology.” ani Puentevella sa panayam sa kanya ng One News.

Naniniwala din si Puentevella na hindi na kaalyado ang tingin ng Pangulo kay Pacquiao.

“Wala na siguro. I’m being honest with you. Let’s call a spade a spade. Kung minumura ka, pinalitan ka, inalis ka as president, humingi ka ng meeting at ‘di ka man lang kinausap, wala na ‘yan.” sabi ng dating kongresista.

Nakiusap din siya na wag ng batikusin pa si Pacquiao dahil hindi naman daw ito ang nag umpisa ng away.

Bukas parin naman daw makipagusap si Pacquiao sa Pangulo kung imbitahan ito sa Malacanang.

Matatandaan na maanghang ang mga naging pahayag ng Pangulo laban kay Pacquiao matapos diumano nitong sabihin na doble ang korapsyon na nangyayari sa kasalukuyang administrasyon.

Sinisi din ng Pangulo si Sen. Koko Pimentel na siya diumanong nag umpisa ng gulo sa PDP-Laban.


Dapat bang Mag Sorry? Pangulong Duterte, Kailangan mag sorry kay Manny Pacquiao: “Mas edukado pa nga si Pacquiao” Dapat bang Mag Sorry? Pangulong Duterte, Kailangan mag sorry kay Manny Pacquiao: “Mas edukado pa nga si Pacquiao” Reviewed by Pinoy Trends on July 21, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.