WATCH| Maria Hoffs, instant celebrity na sa kanyang lugar sa Cebu, Mga fans pumipila para makapagpa picture sa kanya


Nagbabago na nga ba ang tingin ng tao kay Maria Amy Hofilña o mas kilala bilang Maria Hoffs?

Sa ilang post na kumakalat sa internet ay makikita na patuloy paring dinadagsa ng mga tao ang tahanan ni Hoffs sa Barangay Babag, Cebu City.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na Cebu Knows ay makikita ang mga tao habang nakapila para makapagpapicture kay Hoffs na tinaguruan ding Donya ng Cebu.

Hindi naman tumatanggi si Hoffs sa kanyang mga tagahanga.

Ikinagulat ng mga netizens ang biglang pagbabago ng ugali ni Hoffs na noon ay nagbanta pa na kakasuhan ang lahat ng tao na bumabatikos sa kanya sa social media.

Sa isang report din noon ng Cebu Daily News ay sinabi niya na naiistorbo na ang kanyang pamilya sa pagdagsa ng tao sa kanilang tahanan.

Ngunit tila nag iba na ang ihip ng hangin dahil tila niyakap na lamang ni Hoffs ang popularidad na kanyang natatamasa matapos mag viral ang video niya habang sinisingil ng food supplier na si Marjorie Abastas.

Hindi naman daw naningil ng kahit ano si Hoffs sa mga taong nagpa picture sa kanya.

Ngunit may ilang netizen ang pumuna dahil makikita sa ilang litrato na tila hindi na sumusunod sa health protocols ang mga tao.

Wala namang komento pa ang LGU ng Cebu kung gagawa ba sila ng aksyon para kontrolin ang pagdayo ng tao sa bahay ni Hoffs.

Sa ngayon ay tuloy padin ang isyu sa pagitan ni Hoffs at Abastas.




WATCH| Maria Hoffs, instant celebrity na sa kanyang lugar sa Cebu, Mga fans pumipila para makapagpa picture sa kanya WATCH| Maria Hoffs, instant celebrity na sa kanyang lugar sa Cebu, Mga fans pumipila para makapagpa picture sa kanya Reviewed by Pinoy Trends on August 02, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.