KAKASUHAN? Manghuhula na si Rudy Baldwin, maari daw makasuhan kung naniningil siya sa kanyang hula!


Isang kilalang abogado ang nagbigay ng kanyang opinyon kung maari nga bang makasuhan ang mga ‘fortune teller’ o manghuhula katulad ni Rudy Baldwin kung sila’y manghihingi ng pera kapalit ng kanilang serbisyo sa tao.

Sa kanyang livestream, ibinahagi ni Atty. Ranny Libayan ng vlog na ‘BATASnatin’ ang kanyang kaalaman tungkol sa batas para sa mga manghuhula sa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Libayan ay mahigpit na ipinagbabawal sa Pilipinas ang mga propesyunal na manghuhula o ‘yung mga naniningil sa mga tao kapalit ng kanyang mga vision.

Nakalagay daw sa batas ang ang paninigil kapalit ng hula ay kinokonsidera na isang ‘estafa’.

“Kapag ikaw ay kumukuha ng pera kapalit ng hula, kino-commit mo ang other forms of swindling,” ani Libayan.

Hindi naman daw sigurado ang abogado kung naninigil nga ba si Baldwin kapalit ng kanyang mga hula ngunit nagbigay ito ng payo sa manghuhula para maiwasan na siya’y makasuhan.

Ibinahagi ni Atty. Libayan ang live video noon ni Rudy Baldwin kung saan sinabi nito na may nagbigay sa kanya ng ‘tulong’ kapalit ng hula niya sa numero ng lottery.

Dito na pinayuhan ni Libayan si Baldwin na mag hinay hinay sa kanyang mga ibinabahagi sa social media.

“Kapag ‘yung binigay na pera sa’yo ay ‘for work done’, ‘yung binigay sayo na pera kahit anong ipangalan dito sabing tulong, sabing ayuda, sabing sweldo, sahod kahit anong pangalan basta ang binigay sa’yo ay ‘for-work-done’ dahil sa iyong ginawang trabaho, that is considered compensation,” paliwanag ni Libayan.

“Mag ingat ingat tayo doon kasi kapag ganyan ang nilalabas mo sa social media e baka magkaproblema ka eventually,” dagdag niya.

Matatandaan na habang parami ng parami ang followers ni Baldwin sa social media ay dumadami din ang mga nagdududa sa kakayahan nito na mahulaan ang mga nangyayari sa bansa.

Kahit ang self-proclaimed scammer na si Xian Gaza ay may inilabas na akusasyon laban sa manghuhula.


KAKASUHAN? Manghuhula na si Rudy Baldwin, maari daw makasuhan kung naniningil siya sa kanyang hula! KAKASUHAN? Manghuhula na si Rudy Baldwin, maari daw makasuhan kung naniningil siya sa kanyang hula! Reviewed by Pinoy Trends on August 02, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.