WATCH| Isang OFW Kasambahay binigyan ng 100K, gamit at pang-paayos ng bahay ng kanyang mabait na employer


Marami sa mga foreign employers ang mas nagtitiwala at humahanga sa angking galing ng mga Pinoy sa kahit ano mang larangan ng trabaho.

Mga bagong bayani kung ituring ang mga kababayan nating mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mas piniling iwan ang kani-kanilang mga pamilya at tiisin ang lungkot at paghihirap sa ibang bansa upang masuportahan at mai-aahon ang buhay mula sa kahirapan.

Isa na dito ang mga pagsasakripisyo ng mga kapatid nating mga Domestic Workers na namamasukan upang pagsilbihaan ang kanilang mga banyagang amo.

Marami man sa kanila ang madalas napagmamalupitan ng mga mapang-abusong employer, masusuwerte na kung ituring ng iilan pag sila'y napunta sa mga mababait na tao.

Katulad nalang ng isang napakagandang karanasan ng isang pinay domestic helper na si Maria Teresa Campos mula Magallanes, Butuan City, sa kanyang halos 6-na-taong pamamasukan sa pamilya ni Ismaniza ng Malaysia.

Bumuhos ang luha at lungkot sa mukha ng pamilya ng kanyang pinagsisilbihan sa oras nang siya'y tuluyan ng umalis pabalik sa Pilipinas.

“Sobrang mabigat sa kalooban ‘yung tumalikod ka na, tinatawag ka pa. Na-feel ko talaga ‘yung pagmamahal sa akin ng amo ko," aniya.


Sa ibinahaging TikTok video na gawa mismo ng kanyang employer na si Ismaniza, inilarawan nito kung gaano sila kasaya at kampante kasama si Maria.

Sa sobrang pasasalamat nila sa kabaitan na ipinadanas sa kanila ng Pinay worker ay binigyan nila ito ng pera bago umuwi na nagkakahalaga sa P100,000 at bagong cellphone, at pati mga gamit.

Ayon pa kay Maria, lahat ng mga utang niya sa kanyang mga amo ay hindi na nila siningil pa, bagkus ay ibinigay na sa kanya bilang pandagdag sa pagpapaayos ng kanilang bahay sa probinsya.

"Bago ako umuwi sa Pilipinas, binigyan ako ng amo ko ng bagong cellphone, bagong mga gamit. Nagbigay pa siya ng cash. Hindi ko talaga in-expect na bibigyan nila ako ng ganoon kalaking pera." kwento niya


WATCH| Isang OFW Kasambahay binigyan ng 100K, gamit at pang-paayos ng bahay ng kanyang mabait na employer WATCH| Isang OFW Kasambahay binigyan ng 100K, gamit at pang-paayos ng bahay ng kanyang mabait na employer Reviewed by Pinoy Trends on August 24, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.