NAINGGIT BA? Cristy Fermin, binanatan si Jinkee Pacquiao dahil mahal nitong damit: “Ang daming nagugutom”


Maanghang ang mga naging banat ng kolumnista na si Cristy Fermin laban kay Jinkee Pacquiao dahil sa magarbong pananamit niya sa boxing match ng kanyang asawa na si Manny Pacquiao noong August 22.

Sa kanyang programa sa One PH na Cristy Ferminute ay wala sa tamang timing si Jinkee para ilabas niya ang kanyang mga kayamanan sa publiko.

Ayon sa kanya ay sa panahon ngayon ay maraming tao ang nagugutom kaya naman hindi nito mapigilan na batikusin si Jinkee dahil sa kanyang magarbong pananamit.

“Kung mayroon siyang pakialam, dapat ‘di niya inilalantad ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng kanyang mga kagamitan. At, wala pong kahihiyan si Jinkee Pacquiao,” ani Fermin.

“Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara sa lalamunan patungo sa bitkuka, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo… Wala ka sa timing, hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon,” dagdag niya pa.


Pero nilinaw naman ni Fermin na karapatan ni Jinkee na gumastos sa kung anong gusto niya.

“Ang isa ba na lumaki sa hirap, wala na bang paraan/karapatan para magbago naman ang buhay? Eh kaya naman niya eh, kaya naman niyang bilhin ang kahit anong kapritcho niya… Pera naman nila ‘yung ginagastos niya (at) hindi po ito pera ng bayan,” saad ng kolumnista.


Ayon sa ilang balita ay umabot ng 2.26 million ang ‘Pink OOTD’ ni Jinkee sa laban ni Pacquiao.

Ilan sa pinakamahal ay ang kanyang bag na Christian Dior Mini Lady Dior pink alligator bag na umabot ng 558,000 pesos at ang Tiffany and Co. bracelets na mayroon daw halagang 876,000 pesos.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Jinkee sa mensahe sa kanya ni Cristy na kilala sa kanyang mga kontrobersiyal na pahayag.


NAINGGIT BA? Cristy Fermin, binanatan si Jinkee Pacquiao dahil mahal nitong damit: “Ang daming nagugutom” NAINGGIT BA? Cristy Fermin, binanatan si Jinkee Pacquiao dahil mahal nitong damit: “Ang daming nagugutom” Reviewed by Pinoy Trends on August 25, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.