WATCH| Aktwal Video ng Muntikang pag Crash ng Helicopter na Sinakyan ni Sen. Bong Go Inilabas sa Publiko


Ibinahagi ni Senator Bong Go ang naging karanasan niya noong Sabado, Agosto 14, nang magkaaberya ang helicopter na kanilang sinasakyan habang papunta sa Isabela City, Basilan para dumalo sa paglulunsad ng ika-135 Malasakit Center sa bansa.

“Galing po ako ng Zamboanga, papunta po ako sa pagbubukas ng pang 135th na Malasakit Center doon po sa Basilan Medical Center, pinuntahan ko po mismo. Noong galing ho kami sa may dagat, galing Zamboanga, napansin ko na po na medyo mabilis…about 400 feet habang pababa, napakabilis po ng pagbaba ng helicopter. 

Pagbaba, nakayuko talaga siya at parang nag-bounce ng dalawang beses, tumabingi na,” Go recounted.

“Akala ko po katapusan ko na….First time po ako nakasakay ng ganon, parati naman akong nakakasakay (ng chopper) pero first time po ako nakasakay ng ganon na dire-diretso talaga ang pagbaba. Napakabilis tapos iba yung tunog ng makina. 

‘Yun pala'y, nung tinanong ko ang piloto, parang tailwind, tinutulak ‘yung chopper pababa. Napapansin ko na parang wala ng kontrol. Sa awa ng Diyos ay naligtas naman kami.

“Naniniwala ako sa kasabihan na kahit saan ka magtago o magpunta, kung kukunin ka na ng Panginoon ay kukunin ka talaga. Pero kung hindi mo pa panahon ay hindi mo pa panahon,” he added.

Dahil sa insidente, lalo naman aniyang tumibay ang kanyang pananampalataya at lumakas ang determinasyon bilang isang lingkod bayan.

Isa ring karangalan ayon kay Go ang mamatay habang tinutupad ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa-Pilipino.




WATCH| Aktwal Video ng Muntikang pag Crash ng Helicopter na Sinakyan ni Sen. Bong Go Inilabas sa Publiko WATCH| Aktwal Video ng Muntikang pag Crash ng Helicopter na Sinakyan ni Sen. Bong Go Inilabas sa Publiko Reviewed by Pinoy Trends on August 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.