May Bayad Pala? Rudy Baldwin, humingi daw ng P10,000 donasyon bago siya pumasok sa ‘kabilang mundo’ at makita ang nangyari kay Jang Lucero


Tila matindi ang sakripisyo na ginagawa ng manghuhula na si Rudy Baldwin para lamang makuha ang mga ‘vision’ na kanyang inilalathala sa social media.

Kwento ng isa sa mga complainant ni Rudy Baldwin sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) na si Solen Itaya ay humingi siya ng tulong sa manghuhula para malutas ang kaso noon ng nasawing lady driver na si Jang Lucero.

Matatandaan na naging usap usapan sa buong Pilipinas ang nangyari kay Lucero noong 2020 dahil sa hirap matukoy ng mga otoridad kung sino ang mga suspek.

Dahil dito ay naawa si Itaya at sinubukan niyang hingin ang tulong ng tanyag na manghuhula na maaring makaalam ng totoong nangyari kay Lucero.

“July, last year nakikita ko po diyan ‘yung tungkol kay Jang Lucero, sabi ko sa kanya ‘Madam, ikaw lang po ang may kakayanan dito, bakit hindi niyo po tignan, diba nakakakita kayo, nakakavision kayo, please pakisilip naman to para matulungan ko ‘yung magulang ng tao’

“Sagot niya sakin, ‘mahirap yang gusto mong mangyari kasi kailangan may hawak akong amount na pera’, ‘magkano ho ang minimum?’ sabi niya 10k (P10,000).

“Anong gagawin niyo don sa 10k? ‘Kasi pag pinasok ko ‘yung kabilang mundo paglabas ko sugat sugat ako’.

“Ako naman si t*nga, oo nga naman bakit niya kailangan ng pera sa kabilang mundo? Sige madam ako na ang sasagot sa 10k madam,” kwento ng complainant.

Ayon sa kanya ay nagbigay siya ng 10,000 kay Baldwin kapalit ng hula nito.

Ngunit kinabukasan daw ay pagkabalik sa ‘kabilang mundo’ ni Baldwin ay tumanggi itong sabihin kay Itaya ang nakita niya.

“Nong tinatanong ko sa kanya kinabukasan, bini-vision daw niya. Tinanong ko kung ano ‘yung nangyari po doon, ang sagot niya sakin ‘hindi maganda, wag na natin pag usapan’.

 “Sabi ko ‘hindi nga madam?’ sagot niya ‘basta wag na natin pag usapan'” ani Itaya.

Hanggang ngayon ay hindi parin alam ni Itaya kung ano nga ba ang nakita ng manghuhula sa kabilang mundo.

Dahil dito ay planong magsampa ng reklamo ni Itaya laban kay Baldwin.

Sa ngayon ay inuulan ng batikos si Rudy dahil sa mga diumano’y sablay na hula niya.

Pero lumaban naman si Rudy at idinadaan sa legal na proseso ang mga ‘naninira’ diumano sa kanya.


May Bayad Pala? Rudy Baldwin, humingi daw ng P10,000 donasyon bago siya pumasok sa ‘kabilang mundo’ at makita ang nangyari kay Jang Lucero May Bayad Pala? Rudy Baldwin, humingi daw ng P10,000 donasyon bago siya pumasok sa ‘kabilang mundo’ at makita ang nangyari kay Jang Lucero Reviewed by Pinoy Trends on August 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.