WATCH| Actual Video ng Banggaan ng Dalawang Firetruck sa Caloocan Nakunan sa CCTV


Dalawang firetruck ang bigla na lamang nagka banggaan sa 4th Avenue Corner D. Aquino Street sa Caloocan City. Payapang binabagtas ng firetruck ng BFP sa 4th Avenue ng Caloocan City pasado alas 10 kagabi, at isang pang firetruck na mula naman sa D. Aquino. At sa intersection nagkabanggaan ang dalawa.

Sa nangyari ay tumilapon ang apat na fire volunteer sa lakas na impact ng banggaan. Pagdating ng mga rescue team ay maingat na inilagay ang mga nasugatan at nasaktan sa spine board, upang isugod sa ospital at matingnan ang mga natamong sugat.

Ang isang sakay ng firetruck ay maswerteng konting gas gas lamang sa sa kanyang braso ang natamo.
Sa sobrang lakas ng banggaan ang nabasag ang windshield ng firetruck nang BFP, habang ang isa naman firetruck ay may yupi sa ilalim na bahagi nito.

Dahil sa nangyari ay apat na fire volunteers ang sugatan matapos na tumilapon mula sa sinasakyang firetruck nang magkabaan ang dalawang truck. Nangako naman ang BFP na tutulong sa pag papagamot sa mga nasugatan sa insidente.


WATCH| Actual Video ng Banggaan ng Dalawang Firetruck sa Caloocan Nakunan sa CCTV WATCH| Actual Video ng Banggaan ng Dalawang Firetruck sa Caloocan Nakunan sa CCTV Reviewed by Pinoy Trends on August 03, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.