GINAMIT LANG? Apo ni Whang Od, binanatan si Nas Daily matapos diumanong pagkakitaan ang lola niya: “She did not sign any contract!”


Napupuno ngayon ng kontrobersiya ang isa sa mga pinakasikat na internet celebrity sa buong mundo na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily matapos siyang batikusin ng apo ng tanyag na Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Sa isang Facebook post, binatikos ni Grace Palicas ang ginawa ni Nas na paggamit diumano sa kultura nilang mga tinaguriang mambabatok o tattoo artist ng Kalinga para kumita ang kanyang kumpanya na ‘Nas Academy’.

Ang Nas Academy ay itinatag ni Yassin noong 2020 upang turuan ang mga netizens ng iba’t ibang skills sa pamamagitan ng mga online class na kanilang inaalok sa website.

Isa na dito ay ang diumano’y ituturo ni Whang-Od sa kanyang online class kung saan ay matututunan daw ng mga netizens kung paano maging isang mambabatok.

Ngunit hindi libre ang inaalok na course ng Nas Daily dahil nagkakahalaga ito ng 750 pesos kapalit ng nalalaman diumano ni Whang-Od na ngayo’y 104 years old na.


“Prepare to learn a 1000-year-old art form from the last Kalinga tattoo artist in the world: Whang-od. This 104-year-old legend will reveal all her rituals, tools and methods for making traditional tattoos.
All packed in a course that’s unlike anything we’ve ever done before!” ayon sa sign-up page ng course.
Hindi ito nagustuhan ng apo ni Whang-Od at agad niyang binatikos si Nas at ang kanyang academy.

Paliwanag niya ay walang pinipirmahan na kahit anong kontrata ang kanyang lola para pagkakitaan ang kanyang kaalaman bilang mambabatok.

“WARNING!!! Whang Od Academy is a scam. My grandmother did not sign any contract with @NasDaily to do any academy. Some people are taking advantage of our culture. PLEASE HELP US STOP this disrespect to the legacy of Apo Whang Od and the Butbot Tribe,” ani Grace.


Kinausap niya narin daw ang kanyang lola tungkol dito at sinabi na wala siyang naiintindihan habang siya ay kinukuhanan ng video na ipinalabas sa Nas Academy.

Maari din daw na may binayaran ang mga bumubuo ng Nas Academy ngunit hindi ito nakarating kay Whang Od.

“Whang Od Academy is not real. I spoke to her and she said she did not understand what the translators were saying. Am sorry to tell you she will not be joining the @nasdaily. I know you have good intentions of sharing our culture to the next generation.
However our village concern is that some people are profiting our art and culture. I know you spoke to someone and gave some money and will share profits, but Apo Whang Od is not aware of your contract.” 

Ilan sa mga netizens ay sinabi na ginagamit lamang ng ilang banyaga ang mga Pilipino para sila ay kumita.

“Matagal na nya tayo ginagamit. From Pinoy-baiting, meddling in our politics and now this? Medyo garapal na masyado“ sabi ng isang netizen.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Yassin tungkol dito.

div>Matatandaan na naging kontrobersiyal nadin si Yassin dahil sa kanyang mensahe sa mga Pilipino ng siya ay maitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

“I think you should get angry to fix things. There’s a lot of things that need to be fixed, so be more angry. Just screams and—scream and unite,” ani Yassin sa social media na hindi nagustuhan ng ilang netizens.


GINAMIT LANG? Apo ni Whang Od, binanatan si Nas Daily matapos diumanong pagkakitaan ang lola niya: “She did not sign any contract!” GINAMIT LANG? Apo ni Whang Od, binanatan si Nas Daily matapos diumanong pagkakitaan ang lola niya: “She did not sign any contract!” Reviewed by Pinoy Trends on August 04, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.