Tinapon Lang? Chavit Singson hindi naitago ang sama ng loob sa pambansang kamao: “Sinulsulan kasi ng mga bagong handler”


Sa pambihirang pagkakataon ay hindi nakita si Narvacan Mayor Luis Chavit Singson sa tabi ng pambansang kamao Manny Pacquiao sa laban nito kay Yordenis Ugas ng Cuba.

Sa bawat laban noon ni Pacquiao ay hindi mawawala si Singson na naging parang ama na nito dahil lagi itong nagpapakita ng suporta sa pambansang kamao.

Umabot din sa punto na sinubukang ayusin ni Singson ang problema ni Pacquiao na nagkakaroon noon ng problema sa relasyon nila ng kanyang asawa na si Jinkee.

Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo ay sinabi ni Singson na unang beses niyang hindi nanood kay Pacquiao dahil sa ginawa nito sa kanya.

Hindi nito naitago ang sama ng loob sa kanyang kaibigan dahil sa diumano’y hindi nila pagkakaunawaan sa isyu ng buwis sa tabako.

“First time kong di nanood, dahil sa paglaglag n’ya sa akin na wala sa lugar. Sabi ko lang wala akong hinihingi kundi wag lang i-increase ang tax, dahil sobra na kasi baka masira ang industriya (ng tabako)” ani Singson.

Ayon pa sa kanya ay para daw siyang itinapon nalang sa tabi ng kanyang kaibigang si Pacquiao matapos nitong ipagmalaki sa publiko na kahit siya daw ay hindi pagbibigyan ng pambansang kamao.

“Full support ako sa kanya noon, pero ngayong tinapon ako, alangan pagpilitan ko pa sarili ko. Sinakyan nya ‘yung tinuro sa kanya .. ang tagal ng pinagsamahan [namin] tapos ganon lang ginawa sa akin, syempre masama rin ang loob ko.” sabi niya.

Naniwala din daw kagad sa mga bago niyang kakampi si Pacquiao habang ang mga matatagal niyang kaibigan katulad niya ay binaliwala niya na lamang.

May ilang balita kasi na kumakalat na pinayuhan si Pacquiao na lumayo kay Singson dahil makakasira daw ito sa imahe ng pambansang kamao lalo na’t napapabalita na tatakbo ito sa pinakamataas na posisyon sa 2022.

“Sinulsulan kasi ng mga bagong handler na media, ‘na pakita mo na di ka ma-control ng ibang tao.’ Ako ang ginamit na sampol. Napakadali mong sinagot kako na kilala mo ako, di ko magagawa ‘yan, ganon sana dapat,” saad ng alkalde.

Ibinunyag naman ni Singson na nakausap siya ni Pacquiao bago ito lumipad papuntang Amerika.

“Ang sabi ko ‘bakit mo ko nilaglag?’ hindi daw ‘yun ang ibig niyang sabihin pero nakaraan na ‘yon tapos na sinabi ko nalang na hindi na ko pupunta at ipagdadasal ko nalang na manalo ka,” kwento ni Singson.


Tinapon Lang? Chavit Singson hindi naitago ang sama ng loob sa pambansang kamao: “Sinulsulan kasi ng mga bagong handler” Tinapon Lang? Chavit Singson hindi naitago ang sama ng loob sa pambansang kamao: “Sinulsulan kasi ng mga bagong handler” Reviewed by Pinoy Trends on August 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.