NAG AWAY? Chavit Singson masama ang loob kay Manny Pacquiao kaya natalo: “Minalas siya kasi inaway tayo”


Maraming netizen ang nakapansin sa pagkawala ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson sa huling laban ng kanyang kaibigan na si Senador Manny Pacquiao.

Sa bawat laban kasi ni Pacquiao ay talagang hindi mawawala si Singson na laging nandyan upang magpakita ng suporta sa kanyang kaibigan.

Ngunit ngayon ay hindi siya makikita sa tabi ng ring dahil sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa tungkol sa ilang isyu.

Matatandaan na natalo si Pacquiao sa kanyang last minute opponent na si Yordenos Ugas kaya naman hindi napigilan ni Singson na magbigay ng komento.

Ayon sa report ng Politiko ay naniniwala si Singson na ‘minalas’ ang kanyang kaibigan dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanyang mga kaibigan.


“Minalas tuloy siya kasi inaway tayo,” ani Singson sa long-time assistant at business partner ng pambansang kamao na si Jake Joson.

Ang kampo daw bi Sen. Koko Pimentel diumano ang dahilan kung bakit tila dumidistansya na si Pacquiao kay Singson at Joson dahil nagbibigay daw ito ng masamang imahe sa pambansang kamao.

Ngunit natawa na lamang si Joson sa dahilan ng mga nakapaligid ngayon kay Pacquiao.

“Sa 17 years natin kasama si Sen MP, nasira ba name niya? Minalas ba siya noong kasama niya tayo? Patal ng patagal natin siyang kasama eh lalo gumanda buhay nya.” ani Joson.

“Pero ngayon isang taon pa lang nila kasama si Sen MP, eh puro negative na ang nangyayari sa kanya. From Top 2 sa presidential survey, ngayon number 5 na lang.
From champions sa boxing, ngayon natalo pa sa isang alternate fighter lang! Sino kaya totoong panira at malas kay Sen MP?” dagdag niya pa.

Ayon naman sa isa pang report ay mismong si Singson ang nag desisyon na wag ng panoorin ang laban ni Pacquiao.

“First time kong di nanood, dahil sa paglaglag n’ya sa akin na wala sa lugar,” ani Singson.


NAG AWAY? Chavit Singson masama ang loob kay Manny Pacquiao kaya natalo: “Minalas siya kasi inaway tayo” NAG AWAY? Chavit Singson masama ang loob kay Manny Pacquiao kaya natalo: “Minalas siya kasi inaway tayo” Reviewed by Pinoy Trends on August 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.