PINABAYAAN LANG? Kwento ni ‘Nanay Josie’, ipinalabas muli ni Jose Hallorina sa gitna ng isyu nila ni Donnalyn Bartolome


Inilabas muli ng vlogger na si Jose Hallorina ang mga video na kanyang binura tungkol kay ‘Nanay Josie’ na kamag-anak ng internet celebrity na si Donnalyn Bartolome.

Nakilala ni Jose ang matanda noong 2019 kung saan ay nakita niya ito habang naka-wheel chair at namamalimos lamang sa kalsada.

Malayong malayo ang buhay ni Nanay Josie sa kanyang mga kamag-anak katulad ni Donnalyn na namimigay pa ng milyong milyong piso sa ibang tao bilang parte ng kanyang mga vlog.

Ayon kay Jose ay nakipag usap sa kanya ang kampo ni Donnalyn noong 2020 at sinabihan siya na i-delete ang mga videos niya tungkol kay Nanay Josie na kapatid diumano ng ina ng internet celebrity.

Ibinigay din ni Jose si Nanay Josie sa pangangalaga ng pamilya Bartolome.

Ngunit nitong Agosto 9 ay binanatan ni Jose si Donnalyn at tinanong niya ang pamilya ng internet celebrity kung bakit pumanaw si Nanay Josie ng wala ulit tirahan.

Hindi rin diumano siya titigil sa pagsasalita kahit na nagpadala na ng demand letter ang kampo ni Donnalyn para pigilan siya.

Para patunayan na hindi siya aatras sa laban ay ibinalik niya muli sa kanyang channel ang kwento ng matanda.

“At dahil nagsalita ulit si Donnalyn tungkol dito, at dahil wala siyang respeto sa agreement namin noon, WALA NG SILBI ang kasunduang yon.
Pinadalhan pa niya ako ng Demand Letter matapos kong ipost ang video ko na “Nasaan si Jose Hallorina?” Sabi niya, kapag hindi ko idedelete ang video na yon, kakasuhan niya ako. Gusto akong patahimikin ni Donnalyn kaya ngayon, HINDI AKO TATAHIMIK!” ani Jose.

Matatandaan na ipinaliwanag na ni Donnalyn noon ang kanyang side sa mga netizens.

“For those confused, 2 years ago, a reckless youtuber featured a distant relative, a lola, who I took care of and had my contact number to ask for help when she was struggling but chose to let an outsider use my name for attention so that her son talks to her again after her shortcomings.

“Instead of taking the wrongdoers to court, I forgave both of them with all my heart though it cost me my reputation and also my mental health for 1 year.
“That’s not why I’m triggered though, it’s the fact that because of what she(the lola) and the youtuber did, her relationship with her son was permanently damaged. I couldn’t fix it until her last breath. This was painful to bear.

“Kaya di ka dapat nakekeelam sa problema ng pamilya if you are not a part of it. Wag mo palalain. No to fake news. Be a responsible viewer,” banat ni Donnalyn.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Donnalyn tungkol sa mga banat sa kanya ni Jose.


PINABAYAAN LANG? Kwento ni ‘Nanay Josie’, ipinalabas muli ni Jose Hallorina sa gitna ng isyu nila ni Donnalyn Bartolome PINABAYAAN LANG? Kwento ni ‘Nanay Josie’, ipinalabas muli ni Jose Hallorina sa gitna ng isyu nila ni Donnalyn Bartolome Reviewed by Pinoy Trends on August 10, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.