HINIRAM LANG? Angel Locsin, inulan ng papuri sa mga netizens dahil sa kanyang ‘simpleng’ handaan para sa kasal niya


Inulan ng papuri mula sa mga netizens ang aktres na si Angel Locsin matapos nitong ipakita ang pagiging simple ng kanyang wedding reception.

Matatandaan na ikinasal si Angel sa kanyang long-time boyfriend na si Neil Arce sa isang pribadong civil wedding nitong August 7.

Mapapansin na simple lang din ang naging seremonya ng nasabing kasal.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Angel na kahit sa reception ay naging simple ang kanilang paghahanda.


Simple man ang kanilang naging reception ay hindi naman daw pumayag ang kanyang kaibigan na magpahiram ng mga simpleng table at upuan.


“I don’t want to flood you guys with wedding chorvaness. I just wanted to thank @randylazaro_ for coming to my call 2 days before the wedding to set up a reception area for 10 in our backyard 🙂 What started out as “pwede bang makihiram ng tables and chairs, a buffet table for our take out food”, nauwi sa napakagandang set up na ito na pwede ng peg sa pinterest dahil hindi ka pumayag na ganun ka basic lang,” ani Angel.


“Hanggang ngayon nagagamit pa namin yung mga herbs and plants na you used as decoration since alam mo na nanghihinayang ako na patay na yung plants the next day.
At salamat for adjusting sa gusto namin na no flowers dahil sa dami ng allergies namin ni Neil sa flowers.” dagdag niya pa.

Pinasalamatan din ni Angel ang kanyang wedding planner na nagpakilala sa kanya kay Randy.

Natuwa naman ang mga netizens dahil kahit na simple ang naging kasal ni Angel ay maganda parin ang kinalabasan nito.

“Grabe. Never thought na magiging simple ang wedding mo pero so beautiful and genuine,” sabi ni @celaineaguilar.

“Grabe Ms. Angel!!! Ang elegant yet ang humble ng peg mo for your wedding,” komento naman ni @jemappelleayn.

“Ang simple lang ng wedding pero ang ganda,” ani @shantiekatrice_

Kilala si Angel sa kanyang pagigigng mapagbigay at simple kaya naman hangang hanga ang mga netizens sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)


HINIRAM LANG? Angel Locsin, inulan ng papuri sa mga netizens dahil sa kanyang ‘simpleng’ handaan para sa kasal niya HINIRAM LANG? Angel Locsin, inulan ng papuri sa mga netizens dahil sa kanyang ‘simpleng’ handaan para sa kasal niya Reviewed by Pinoy Trends on August 10, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.