Nas Academy, ipinakita ang ebidensiya diumano na magpapatunay na alam ni Apo Whang-Od ang ‘online course’ na ilalabas nila sa internet


Pumalag ang kampo ng vlogger na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily mga akusasyon laban sa kanila ng apo ng legendary Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Matatandaan na tinawag na ‘scam’ ni Grace Palicas ang online course na inaalok ng online tutorial company na Nas Academy kung saan ay makikita si Whang-Od habang itinuturo niya ang kanyang nalalaman pagdating sa ‘pagbabatok’ o ang tradisyonal na pagtatato sa kanilang lugar.

“WARNING!!! Whang Od Academy is a scam. My grandmother did not sign any contract with @NasDaily to do any academy. Some people are taking advantage of our culture. PLEASE HELP US STOP this disrespect to the legacy of Apo Whang Od and the Butbot Tribe,” ani Grace.


Sinabi din ni Grace na walang pinipirmahan na kahit anong kontrata ang kanyang lola para bigyang permiso ang Nas Academy na magpalabas ng mga online tutorial tungkol kay Whang-Od

Pumalag naman ang Nas Academy at ipinakita nila ang diumano’y dokyumento na pinirmahan ni Whang-Od.


Makikita sa video si Whang-Od habang inilalagay niya ang kanyang thumbmark sa isang dokyumento na kasunduan sa pagitan niya at ng Nas Academy.

Hindi naman ipinakita ng Nas Academy ang nilalaman ng buong dokyumento.

Nagpakita naman ng suporta ang ilang naniniwala sa Nas Academy at hinimok din nila ang mga netizens na mag ‘research’ muna bago husgahan si Yassin na kilala sa pagtatampok ng mga istorya tungkol sa Pilipinas.

Sa ngayon ay wala paring opisyal na pahayag si Yassin tungkol sa kontrobersiya na kinakaharap niya ngayon.


Nas Academy, ipinakita ang ebidensiya diumano na magpapatunay na alam ni Apo Whang-Od ang ‘online course’ na ilalabas nila sa internet Nas Academy, ipinakita ang ebidensiya diumano na magpapatunay na alam ni Apo Whang-Od ang ‘online course’ na ilalabas nila sa internet Reviewed by Pinoy Trends on August 05, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.