Nagkabati Na? NaTapos na ang gera nina Maria Hoffs at Marjorie Abastas at matagumpay na silang napag-ayos!


Nagdiriwang ang ilang netizens ngayon dahil matapos ang ilang araw na pagtatalo ay nag desisyon ang tinaguriang ‘donya’ ng Cebu na si Maria Hoffs na makipag-ayos na lamang sa food supplier na si Marjorie Abastas.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nag viral si Hoffs matapos siyang singilin ni Abastas na ipinakita pa ng supplier sa social media.

Umabot ng P9,000 ang sinisingil ni Abastas na hindi naman binayaran ni Hoffs dahil sa hindi daw siya ‘satisfied’ sa ipinadalang pagkain ng supplier.

Sa post na ibinahagi ng pahayagang ‘The Freeman’ ang matagumpay na pagkakasundo ni Hoffs at Abastas.

Ayon sa nasabing report ay napagbati ni Barangay Santo Niño, Cebu City captain Lourdes Ramirez ang dalawa.

Hindi naman ibinahagi kung ano ang naging dahilan kung bakit nila tinapos ng dalawa ang kanilang alitan.

“#Settled! Good news people! Good to know! Maria Hofs and Marjorie finally and officially came up with amicable settlement during their second talks today handled by my very own mother Mommy Kap Lourdes Lulu Ramirez Ramirez in Brgy Sr. Santo Niño Barangay Hall. Magpa picture napud ko ni Maria og ni Marjorie! Haha Nice one! Nothing is better than FORGIVENESS AND RECONCILIATION! ❤❤ Everybody happy! 🙏” ani Pancho Ramirez Jr.

Tuwang tuwa naman ang mga netizens sa desisyon ng magkabilang panig na tapusin na lamang ang isyu.

“God heal both wounds when there is total forgiveness. Ang tawo naay good and bad side but what matters is the Love of our Lord as we love our enemies.God bless,” ani netizen Zheal Lee.

“A key quality of humbleness is to value others and enable them to be heard.
Spending time listening to others, and drawing out their feelings and values, enabling them to express themselves, is a very powerful way to start to understand this.” sabi naman ni Christian Tsukieyes.

“All of us have good and bad sides. We must forgive and help one another to grow. What matters is not the mistakes we do but the learning and the change we achieve after recognizing our wrongs and working hard to be better persons. May all beings improve.” saad naman ni A Ronel Lee.

Sa mga unang araw ng isyu ay agresibo si Hoffs at kahit ang mga netizens na bumabatikos sa kanya ay sinabihan niya na makakatikim ng legal na aksyon.

Ngunit makalipas ng ilang araw ay tila nag iba ang ihip ng hangin dahil naging mabait bigla si Hoffs sa mga netizens at sa mga taong bumibista sa kanyang tahanan upang kumuha ng litrato kasama siya.


Nagkabati Na? NaTapos na ang gera nina Maria Hoffs at Marjorie Abastas at matagumpay na silang napag-ayos! Nagkabati Na? NaTapos na ang gera nina Maria Hoffs at Marjorie Abastas at matagumpay na silang napag-ayos! Reviewed by Pinoy Trends on August 05, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.