Nagmamakaawa Na? Enchong Dee humihingi ng tawad sa ikinasal na mambabatas: “With deep regret. I would like to apologize”


Lubos ang pagsisisi ng aktor at swimmer na si Enchong Dee sa kanyang mga naging pahayag noon laban kay Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party-list Rep. Claudine Diana “Dendee” Bautista.

Matatandaan na tila inakusahan ni Enchong ng pangungurakot ang mambabatas na nakipagisang dibdib sa kanyang childhood sweetheart na si Jose French “Tracker” Lim.

Makikita kasi na engrande ang naging kasal ni Bautista at ni Lim na binatikos sa social media.

Ang wedding gown ni Bautista ay gawa ng sikat na international fashion designer na si Michael Cinco at ang ang event planner na kinuha nila ay ang celebrity event stylist na si Gideon Hermosa.


Isa sa mga nakibatikos sa mambabatas ay si Enchong kung saan ay sinabi na napunta na daw ang pera ng mga driver kay Bautista na mula sa prominenteng pamilya.

“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.” saad ni Enchong.

Binura naman ito ni Enchong at nitong August 18 ay humingi ito ng paumanhin kay Cong. Bautista at sa kabiyak nito.

Lubos daw ang kanyang pagsisisi at inaako niya ang kanyang ginawang pagkakamali.

Nangako naman siya na iiwasan niya na muli ang ganitong klase na pangyayari.

“I have been reckless in the tweet I posted and I take full responsibility for my lapse in judgment.

“With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist. I reacted based on impulse without thinking of the consequences nor the harm it may cause. I learned that as dutiful citizens, we must always fact-check our statements to avoid sensationalism and the spread of false news.

“I will take this opportunity to reflect on the wrong I have done and use this opportunity to better myself in being more discerning of my actions.”

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na pag sabihan si Enchong dahil sa kanyang ‘libelous’ daw na pahayag noon kay Bautista.

“Your comment stood out amongst the comments of Agot, Pokwang and Ogie. Kasi YOU WERE ACCUSING them of using public funds.” sabi ni netizen @iamsuperfree.

“File charges, Make this exhibit A. Teach these showbiz people to be responsible with what they say.” ani @alden_chua.

Pinuri din naman ng ilang fans si Enchong dahil sa buong tapang niyang inako ang kanyang pagkakamali.

Wala pang tugon si Cong. Bautista sa paghingi ng paumanhin sa kanya ni Enchong.


Nagmamakaawa Na? Enchong Dee humihingi ng tawad sa ikinasal na mambabatas: “With deep regret. I would like to apologize” Nagmamakaawa Na? Enchong Dee humihingi ng tawad sa ikinasal na mambabatas: “With deep regret. I would like to apologize” Reviewed by Pinoy Trends on August 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.