Lagot Na? Rudy Baldwin, Pina-Tulfo ng Galit na Lola Dahil sa Palpak na Hula Nito sa Gender ng Apo!


Sumikat sa social media ang self-professed na psychic reader na si Rudy Baldwin dahil sa mga pangitain nito. Mayroon siyang mahigit 4 milyon na followers sa Facebook na laging nakaantabay sa kanyang mga pangitain. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay napapalibutan ng kontrobersya si Rudy Baldwin.

Kamakailan lang, muli na namang naging usap-usapan sa social media si Rudy Baldwin matapos itong ireklamo kay Raffy Tulfo.

Isang ginang ang dumulog sa programa ni Tulfo na 'Wanted sa Radyo' upang ireklamo si Baldwin. Ayon kay Solen Itaya, mali ang naging hula ni Baldwin sa gender ng kanyang apo.

Nagpabayad di umano ito upang hulaan si Solen, ngunit kahit ni isa sa mga hula nito ay hindi natupad.
Kabilang na dito ang hula ni Baldwin na di umano'y babae ang kanyang magiging apo.

"Lalaki pala! Na shock po kami. So binalikan ko po sya, tinawagan ko sya (rudy baldwin) sabi ko, "Madam mali po yung vision nyo. pinakita ko pa yung pusod sabi nyo nasisilip nyo babae." Ang sinagot niya po sa akin, 'Pasensya na kasi nakadapa puwet pala yung nakita ko," pahayag ni Solen.

Sinagot naman ito ni Baldwin, at sinabing handa siyang harapin sa korte si Solen. Nilinaw rin ni Baldwin na hindi naman lahat ng kanyang pangitain ay nagkakatotoo, dahil sa huli ay sa Diyos pa rin nakasalalay ang mangyayari.

Ang visionary kailanman hindi manghuhula. Kung ano lang ang pinakita sa akin hanggang dun lang ang malalaman ko. Dahil still God wisdom ang masunod. Oy ate, wala akong sinabi na babae apo mo ah. Sabi ko lalaki, kaso mapilit ka sa babae kasi pangarap mo eh," dagdag pa nito.

May ilang mga tao ang lumitaw sa social media at inexpose ang di umano'y scam ng psychic. Ayon sa kanila, matapos kumonsulta kay Baldwin ay hinulaan nito na may masamang mangyayari sa kanila.

Upang makontra di umano ito, bebentahan sila ni Baldwin ng anting-anting na pangontra sa mga masasamang pangyayari.




Lagot Na? Rudy Baldwin, Pina-Tulfo ng Galit na Lola Dahil sa Palpak na Hula Nito sa Gender ng Apo! Lagot Na? Rudy Baldwin, Pina-Tulfo ng Galit na Lola Dahil sa Palpak na Hula Nito sa Gender ng Apo! Reviewed by Pinoy Trends on August 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.