May Pinatatamaan? Gold medalist na si Hidilyn Diaz, may mensahe sa mga netizens: “Ang iboboto ko na pinuno hindi pusong talunan”


Dahil nalalapit na ang eleksyon ay hindi nakaligtas kahit ang kauna unahang Olympic gold medalist natin na si Hidilyn Diaz tungkol sa usapin kung sino nga ba ang napupusuan niya at iboboto sa susunod na taon.

Sa isang video na ibinahagi ni  former Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal ay makikita si Hidilyn habang sinasambit ang kanyang mensahe para sa mga netizens.

“Ang iboboto ko ‘yung pinunong may pusong winner, hindi pusong talunan,” ani Hidilyn.

“Yung maka-Diyos at makatao, hindi makasali. ‘Yung magbibigay ng kalinga, hindi takot,” dagdag niya pa.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang sinabing ito ni Hidilyn dahil tila may ikakandidato na ang tanyag na atleta.

Ilan sa mga netizen ay hinilaan kung sino nga ba ang sinasabi ni Hidilyn.

Ayon sa mga komento ay si Bise Presidente Leni Robredo at dating Senador Antonio Trillanes IV daw ang binabanggit ng gold medalist.

“Makikita lang natin ang katangian yan sa katauhan ni VP leni Robredo: ang kalinga, makatao at maka Diyos. At upang maging matibay at masigurong malinis at mapayapa kailangan niya ng isang tapat at matapang na gaya ni Senator Trillanes upang protektahan at ipagtanggol sa mga mapagsamantalang politiko.
Let’s get united and solid with this tandem,” sabi ni Bong Cortez.

May ilang netizen din ang binalaan si Hidilyn na huwag na munang magsalita tungkol sa eleksyon.

“Hidilyn, we the Filipinos laud you and your achievements. I believe that you have the best intentions in mind, but are just naïve. Do not let your handlers distort and dampen the reason why you are a champion now.
Do not let people use you for selfish gains. Focus on the sport and turn your back on the evils of the political divide.” ani Mylene Basco-Tiamson.

Ipinatanggol naman ng ilan si Hidilyn at sinabi na wala namang binanggit ang weightlifter na pangalan sa kanyang mensahe.

“Wala namang pangalan na binanggit, bakit galit na galit kayo lol tsaka Filipino siya and a voter, she has the right to speak up,” sabi ni Niki Rivera.


May Pinatatamaan? Gold medalist na si Hidilyn Diaz, may mensahe sa mga netizens: “Ang iboboto ko na pinuno hindi pusong talunan” May Pinatatamaan? Gold medalist na si Hidilyn Diaz, may mensahe sa mga netizens: “Ang iboboto ko na pinuno hindi pusong talunan” Reviewed by Pinoy Trends on August 03, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.