WATCH| Tiktok Celebrity Hazel Edep, may mensahe sa mga fans matapos paulanan ng batikos sa social media


Naging viral sa social media ang TikTok celebrity na si Hazel Edep at ang nobyo nito na si Jhon Quizon matapos nilang ipakulong ang isang tricycle driver na diumano’y nangikil ng pera sa kanila.

Inulan ng batikos ang mga nasabing influencer dahil sa mga kumalat na post mula sa mga kamaganak at kaibigan ng suspek na si Angelito Martin.

Umabot narin sa Raffy Tulfo in Action ang nasabing isyu at doon ay pinag usapan kung totoo nga bang inosente si Angelito.

Ayon kasi kay Hazel ay P7,000 ang inalok nilang pabuya para kay Angelito, ngunit ang hinihingi ng suspek ay P50,000.

Matapos ang paglabas nila sa telebisyon ay nag binuksan muli ni Hazel ang kanyang TikTok page sa publiko.

Ibinahagi nila ang isang video habang kumakain sila sa isang Korean BBQ restaurant at nilagyan din nila ng mensahe ng pasasalamat ang nasabing post.

“Salamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa amin,” ani Hazel.

Hindi naman malaman kung bakit sila nagbahagi ng video na sila’y kumakain at ano ang kinalaman nito sa mensahe na gusto nilang iparating.

Pero kahit sa kanilang mismong page ay inulan parin sila ng batikos.

Ilan sa mga netizen ay sinisisi si Hazel sa pagkawala ng kanyang cellphone na napulot ni Angelito.

Tinawag din na “burara” ng mga tao ang influencer.

Sa ngayon ay wala pang balita kung ano na ang mangyayari ngayon kay Angelito.

@queenluvs14Salamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa amin 😘#jmzel♬ original sound – Fatnics🍕 – Fatima🤍


WATCH| Tiktok Celebrity Hazel Edep, may mensahe sa mga fans matapos paulanan ng batikos sa social media WATCH| Tiktok Celebrity Hazel Edep, may mensahe sa mga fans matapos paulanan ng batikos sa social media Reviewed by Pinoy Trends on July 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.