Masyadong Kumpyansa? Jim Parede may Ipanangako kay Leila de Lima: “Sigurado na Nasa listahan kita”


Matapos i-anunsyo ni Senador Leila de Lima ang kanyang plano na tumakbo muli para i-extend ang kanyang term ay nagpakita kagad ng suporta ang kanyang mga kasamahan at tagahanga.

Matatandaan na sinabi ni De Lima na siya ay lalaban kahit na siya ay nakapiit.

“Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban!” ani De Lima.

Isa na sa mga tagahanga ni De Lima ay ang legendary OPM artist na si Jim Paredes na nangako na kasama na sa listahan niya ang senadora.

“Leila DeLima will be running for the Senate. Maam, you are on my list.” ani Paredes.

Hindi naman malaman kung anong listahan ba ang binabanggit ni Paredes.

Ngunit may ilan na netizen katulad ng radio host na si Mark Lopez ang kinukwestiyon kung listahan nga ba ng iboboto ni Paredes ang binabanggit nito.

Tinanong ni Lopez kung makakaboto nga ba si Paredes sa Pilipinas gayong isa daw itong Australian citizen.


“Una, di ba Australian citizen ka?

“Pangalawa, it follows hindi ka registered voter dito.

“Or, gaya ba ng mga kapwa mo elitista na kung saan convenient sa inyo eh dun kayo? Yung tipong may option ka maging Australyano o Pilipino depende sa kapricho nyo?

Isa din noon ang dating kalihim na si Rigoberto Tiglao na binanggit ang pagiging Australyano nito.

Ngayon sa unang pagkakataon ay sinagot niya ito at sinabi na makakaboto siya kahit na isa siyang Australian Citizen.

Naging isyu narin noon ang citizenship ng singer ngunit hindi niya naman sinasagot ang kanyang mga kritiko tungkol dito noon.


Masyadong Kumpyansa? Jim Parede may Ipanangako kay Leila de Lima: “Sigurado na Nasa listahan kita” Masyadong Kumpyansa? Jim Parede may Ipanangako kay Leila de Lima: “Sigurado na Nasa listahan kita” Reviewed by Pinoy Trends on July 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.