WATCH| Rendon Labador, ipinaliwanag kung bakit niya sinampal si Kiko Matos: “Hindi lahat Kiko pwede mong ganun-ganunin!”


Ipinaliwanag ng fitness coach at motivational speaker na si Rendon Labador kung bakit nga ba nagawa niyang sampalin ang aktor na si Kiko Matis sa harap ng madaming tao.

Sa kanyang Facebook live, itinanggi ni Rendon na “scripted” ang kanyang ginawa kay Kiko at sinabi na talagang hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi ng aktor sa kanya.

Hindi man niya binanggit sa mga netizens kung ano nga ba ang mga sinabi ni Kiko sa kanya ay sinabi nito na hindi lahat ng tao ay maaring ganunin ng aktor.

“Ang masasabi ko kay Kiko, hindi lahat ng influencer pwede mong ganyanin, hindi lahat pwede sa scripted, wag mo akong igagaya sa mga binabata bata mo na influencer. Kung gusto mong magdemanda, mag demanda ka.” ani Rendon.

“Hindi mo ko pwedeng bastusin sa personal, hindi kita kilala. Hinahayaan lang kita sa social media kasi business ‘yun ganun naman talaga, pero sa personal hindi lahat ng tao pwede mong bastusin,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay kung may sama ng loob si Kiko sa kanya ay dapat mag organize nalang siya ng laban sa pagitan nila at hindi ‘yung kailangan pa niyang magsalita ng kung ano ano.

“Puro ka daldal, nakakahiya ang daming nanonood, nandoon tayo para mag promote, para ma encourage ‘yung mga kabataan na mag fitness pero wala eh, hindi lahat pwede mong bastusin bro, kung sa social media madaldal, sa personal hindi pwede ‘yun, hindi pwede ‘yung style mo sa akin,” saad niya pa.

“Sinampal kita ng katotohanan. Kung gusto mong lumaban sa akin sabihin mo lang.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang mensahe si Kiko sa ginawa sa kanya ni Rendon.

Matatandaan na tila nagkaroon ng pikunan sa pagitan ng dalawa sa gitna ng “Battle of the Youtubers” event.


WATCH| Rendon Labador, ipinaliwanag kung bakit niya sinampal si Kiko Matos: “Hindi lahat Kiko pwede mong ganun-ganunin!” WATCH| Rendon Labador, ipinaliwanag kung bakit niya sinampal si Kiko Matos: “Hindi lahat Kiko pwede mong ganun-ganunin!” Reviewed by Pinoy Trends on July 05, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.