VIRAL NGAYON: Mabuting Pulis, Tinupad ang Hiling ng Isang Bata na Mayakap ang Kanyang Amang Nakakulong!


Bagamat likas na matatapang ang ating mga kapulisan ay busilak pa rin ang kanilang mga pus0. Nakakaramdam din sila ng mga bagay na nararamdaman ng mga simpleng mamamayan.
May ilan man sa kanila ang gumagamit ng kamay na bakal ay marami pa rin sa ating mga kapulisan ang gumagawa ng kabutihan sa kapwa.

Viral ngayon ang isang post na ibinahagi ni Flavio Ang Panday sa kanyang facebook account noong Hulyo 3. Makikita sa mga larawan kung paano hinayaan ng pulis ang isang bata na mayakap ang kanyang ama.

Humiling ang bata na mayakap ang kanyang ama dahil labis na umano niya itong nami-miss at tinanong din ng bata kung maaari bang palayain ang kanyang ama.

"Sir Mamang Pulis, pwede ko po bang mayakap ang aking papa? Miss na miss ko na po kasi siya. Pwede niyo ba siyang palayain?"



Ipinaliwanag naman ng Pulis na dadaan sa proseso at husgado ang makapagsasabi kung kailan maaaring palayain ang kanyang ama.

"Naku Ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling."

Lubos naman ang pasasalamat ng bata sa pulis. "Salamat po sir, kahit paano naibsan ang aking lungkot."

"Salamat sir mamang Police," dagdag pa nito.

"Walang anuman.. Hayaan mo malapit na uwi papa mo basta magpakabait ka palagi ok."

"Babye po mamang Police."

(Umuweng masaya ang Mag- ina)

"Matapang naman talaga ang tagapag patupad ng batas ngunit may puso0rin at May pakiramdam kami... Kahit anu pa ang nagawa ng taong lumabag sa batas sadya talagang may puso kami at sila na bilanggo ay may karapatan parin kahit bilango at tanging panginoon lang ang magpapasya balang araw pag dumating na ang takdang araw," pahayag ng Pulis.

"PNP HUMAN RIGHTS is still a WAY OF LIFE"


VIRAL NGAYON: Mabuting Pulis, Tinupad ang Hiling ng Isang Bata na Mayakap ang Kanyang Amang Nakakulong! VIRAL NGAYON: Mabuting Pulis, Tinupad ang Hiling ng Isang Bata na Mayakap ang Kanyang Amang Nakakulong! Reviewed by Pinoy Trends on July 05, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.