WATCH| Lalake sa “kilala mo ba ang tatay ko” video na NagViral ipinakilala na ng mga otoridad "Kilala pala talaga ang Tatay nya"


Ipinakita ng mga otoridad sa publiko ang lalaki na sumikat sa social media matapos itong makitang nakikipagtalo sa mga sumita sa kanyang pulis.

Sa nasabing video ay maririnig ang nasabing lalaki habang sinisigawan ang mga pulis at binabanggit din nito ang kanyang ama.

“Kilala mo ba ang tatay ko?” pasigaw na tanong ng lalake sa pulis.

Hindi naman nagpatinag ang mga pulis at hinuli parin ang lalake.

Nakilala ang lalake na si Franz Orbos, na sinita dahil lamang sa nakaharang ang kanyang sasakyan sa kalsada.

Lumala lang ang sitwasyon ng hindi sumunod si Orbos sa mga otoridad at tila sinubukan pa nitong takasan ang kanyang kasalanan.

Ayon sa mga netizens ang kamag anak ng lalaki si dating executive secretary Oscar Orbos at Undersecretary Tim Orbos.

Pinuro naman ni PNP chief Guillermo Eleazar ang pagiging kalmado ng mga pulis sa nasabing sitasyon.

“Napanood ko na ang viral video ng isang nagwalang motorista sa Muntinlupa at pinupuri ko ang mga pulis na nasa video sa pagpapakita ng tunay na kahulugan ng maximum tolerance,” ani Eleazar.

“Parang telenobela lang pero ganitong klaseng sitwasyon ang laging hinaharap ng inyong kapulisan sa mga lansangan, mga taong hindi marunong rumespeto sa batas dahil pakiramdam nila ay hindi sila sakop ng batas,” dagdag niya pa.

Sinabi pa ni Eleazar na kahit galing sa makapangyarihang angkan ang lalaki ay wala silang karapatan na hindi respetuhin ang batas.

“Sisiguraduhin namin na mananagot ka kahit sino ka man o sino pa ang tatay mo.” saad ni Eleazar na kilala sa pagiging isang mahigpit na pulis.


WATCH| Lalake sa “kilala mo ba ang tatay ko” video na NagViral ipinakilala na ng mga otoridad "Kilala pala talaga ang Tatay nya" WATCH| Lalake sa “kilala mo ba ang tatay ko” video na NagViral ipinakilala na ng mga otoridad "Kilala pala talaga ang Tatay nya" Reviewed by Pinoy Trends on July 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.