KAKASUHAN NA? Kiko Pangilinan nagsampa ng kaso laban sa mga Vlog na Nagpapakalat ng Fake News at sinabing sinaktan niya ang asawang si Sharon Cuneta!


Hindi na nakapagtimpi pa si Senador Kiko Pangilinan sa mga vlog na nagpapakalat ng maling balita laban sa kanya at sa asawa niyang si Sharon Cuneta.

Dumulog si Pangilinan sa Department of Justice (DOJ) upang sampahan ng kaso ang vlog na ‘Latest Chika’ dahil sa mapanirang mga balita sa kanya.

Ayon kay Pangilinan ay sinisira ng nasabing vlog ang kanyang imahe at ng kanyang pamilya.


Hinahayaan niya lamang noon ang mga pekeng balita laban sa kanya, ngunit iba na daw ngayon dahil pati ang kanyang pamilya ay nadadamay na.

Kasama sa kanyang kinasuhan ang Country Manager ng Google Philippines na si Bernadette Nacario.

Ilan sa mga balitang ipinakalat ng “Latest Chika” ay ang diumano’y pagkakabuntis ni Sharon Cuneta sa katambal niya sa isang pelikula na si Marco Gumabao.



Kasama nadin dito ang diumano’y pagsasampa ng kaso ni Sharon laban sa kanyang asawa dahil sa pananakit nito.

Ang nasabing vlog na binabanggit ni Pangilinan ay nagpapakalat din ng mga maling balita tungkol sa iba’t ibang artista at ang tila latest target nito ngayon ay si Aljur Abrenica.

Hinanap namin kung mayroon bang Facebook page ang nasabing vlog at nalaman namin na konektado ang nasabing Youtube channel sa website na aming nailathala noong nakaraang buwan.

Makikita na ang ilang video ng Latest Chika ay ibinabahagi din ng page na “Raffy Today” na hawak ng mga admin na nakabase sa Indonesia at Pilipinas.

Ang ilan sa mga pages kung saan ibinabahagi ang mga Youtube ng ‘Latest Chika’ ay ang kaparehong pages din na nagpapakalat ng balita na nabuntis daw ng television host na si Willie Revillame si Herlene “Hipon” Girl.

Ilan rin sa mga may ari ng nasabing pages ay nakabase sa ibang bansa katulad ng Indonesia at Vietnam.

Ibinabahagi din ng nasabing mga pages ang website na tv5s.com.


Eto pa ang mga pages at groups na konektado sa website na tv5s.com at Latest Chika.

Pinoy Today (3 Vietnam, 2 Indonesia)
PH Zone (2 Indonesia, 1 Vietnam)
Raffy Fan Club (Ang group owner ay nagngangalang Đạo GiaLâm mula Vietnam at ilan sa mga admin ay ang mga pages na nagbabahagi din ng pekeng balita.
Pinoy Raffy Live (2 Vietnam)
KDrama Entertainment (3 Vietnam)
Raffy New (2 Vietnam, 1 Indonesia, 1 Philippines)

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang DOJ kung anong aksyon ang maari nilang gawin laban sa nasabing mga vlog.

Pati narin ang Google Philippines ay wala pang komento tungkol sa isinampang kaso ng Senador.


KAKASUHAN NA? Kiko Pangilinan nagsampa ng kaso laban sa mga Vlog na Nagpapakalat ng Fake News at sinabing sinaktan niya ang asawang si Sharon Cuneta! KAKASUHAN NA? Kiko Pangilinan nagsampa ng kaso laban sa mga Vlog na Nagpapakalat ng Fake News at sinabing sinaktan niya ang asawang si Sharon Cuneta! Reviewed by Pinoy Trends on July 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.