WATCH| FULL VIDEO ng pagsuntok sa Aktor na si Kiko Matos mula sa influencer na si Rendon Labador ng magkainitan!


Tila hindi na nakapagtimpi ang fitness coach at motivational speaker na si Rendon Labador sa tila pang aasar na ginagawa sa kanya ng aktor na si Kiko Matos.

Sa nangyaring “Battle of the Youtubers” nitong Sabado ay makikita sa ilang video ang tila pakikipag usap ni Kiko kay Rendon.

Sa una ay tila hindi na lamang pinapansin ng coach ang aktor, ngunit makalipas lamang ng ilang sandali ay bigla na lamang sinampal ni Rendon si Kiko.

Rinig na rinig sa video ang lakas ng pagtama ng palad ni Rendon sa mukha ni Kiko na kilala sa mga kontrobersiyal nitong aksyon.

Agad namang inawat ng mga tao si Kiko na susubukan sanang gumanti sa ginawa sa kanya ni Rendon.

Hindi naman malaman ang dahilan kung ano sa mga sinabi ni Kiko ang nagtulak kay Rendon na gawin ang pananampal.

May ilang netizen din ang kinukutuban na baka umaarte lamang ang dalawa para magkaroon sila ng laban sa “Battle of the Youtubers”.

Kanina lang ay nagkaroon ng basketball match sa pagitan ni Rendon at isa pang Youtuber na si Jonah Brusko.

Natalo naman si Rendon sa kanyang exhibition match laban kay Jonah na pinanood ng libo libong netizens.

Matatandaan na noong Abril ay naging kontrobersiyal din si Kiko matapos naman nitong sampalin ang isang vlogger na kanyang naka-collab.


WATCH| FULL VIDEO ng pagsuntok sa Aktor na si Kiko Matos mula sa influencer na si Rendon Labador ng magkainitan! WATCH| FULL VIDEO ng pagsuntok sa Aktor na si Kiko Matos mula sa influencer na si Rendon Labador ng magkainitan! Reviewed by Pinoy Trends on July 03, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.