NAG SHORTCUT? Manny Pacquiao itinanggi na dinoktor niya ang college diploma niya para makatapos sa loob lamang ng apat na buwan: “Pumapasok ako araw araw!”


Mariing itinanggi ni Senador Manny Pacquiao na dumaan siya sa shortcut para makuha ang kanyang college diploma.

Sa isang press conference na pinanood ng libo libong netizens, sinabi ni Pacquiao na pinaghirapan niya na makuha ang kanyang college diploma, malayo sa sinasabi diumano ng mga kritiko niya na tatlong buwan lang niya diumano itong hinintay.

Ayon kay Pacquiao ay labing isang taon niyang pinaghirapan ang kanyang degree sa political science.

Paliwanag niya ay kumuha siya ng ‘informal education’ para matapos ang kanyang kurso dahil sa masyado pa siyang abala noon sa boxing.

“Mas madali nga ‘yung sa kanila kasi four years lang nila kinukuha ‘yung course nila, sa akin nga itong political science from 2008 to 2019, eleven years, kung nakuha ko ng four years ‘yan laking saya ko,” ani Pacquiao.

“Ako mahaba, 2008, i-check pa nila ‘yung record nag enroll ako ng college noong 2008, sa Notre Dame University sa General Santos City, check nila ‘yung record doon, pumapasok po ako araw araw noong 2008 noong nag college ako, after that noong natapos ko po ‘yung first year college naghanap po ako ng informal education dahil hindi ko po magampanan dahil active pa po ako sa boxing kaya nakakuha ako ng diploma 2019 na,” dagdag niya pa.

May mensahe naman siya sa mga taong hinuhusgahan siya kasama na ang isa diumanong tao na nagtuturo ng salita ng Diyos.

“Sa mga nanghuhusga diyan especially belong to the church, nagtuturo ka pa naman ng salita ng Panginoon tapos nanghuhusga ka na, e hindi ‘yan, si Jesus nga hindi nanghuhusga ng tao eh kahit na makasalanan ‘yung tao,” sabi niya.

Maaring ang binabanggit ni Pacquiao ay si Pastor Apollo Quiboloy na kinuwestiyon noon ang pagkaka graduate niya diumano sa loob lamang ng tatlong buwan.

Matatandaan na kumalat ang ilang memes sa social media kung saan ay sinasabi na mabilis daw nakuha ni Pacquiao ang kanyang diploma.


Hindi naman ang kanyang degree na nakuha sa Notre Dame ang kinukwestiyon ng mga netizen kundi ang kanyang nakuhang diploma sa University of Makati (UMak) na AB Political Science with a specialization on local government administration.

Mariing itinanggi ng UMak na ginawang “diploma mill” ni Pacquiao ang nasabing unibersidad.

“He attended his classes; he submitted all the requirements so it is just right for him to earn his degree,” sagot ng isang opisyal ng UMak sa panayam noon ng Inquirer.net.

Noong August 2018 nag umpisa na pumasok si Pacquiao sa UMak ayon sa opisyal at nakuha niya ang kanyang diploma noong December 2019.


NAG SHORTCUT? Manny Pacquiao itinanggi na dinoktor niya ang college diploma niya para makatapos sa loob lamang ng apat na buwan: “Pumapasok ako araw araw!” NAG SHORTCUT? Manny Pacquiao itinanggi na dinoktor niya ang college diploma niya para makatapos sa loob lamang ng apat na buwan: “Pumapasok ako araw araw!” Reviewed by Pinoy Trends on July 03, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.