WATCH| Full Video ng Nag Viral na Customer na Umorder at ayaw Magbayad kaya Pina-Tulfo at lalo pang Nagalit!


Trending sa social media Facebook post ng isang online seller na si Marjorie Alison mula sa Cebu matapos nitong ipakita sa video ang hindi pagbabayad nang buo ng kaniyang kliyente.

Ayon sa post ni Marjorie, hindi daw nagbayad ang customer nito matapos sabihin na hindi ito ‘satisfied’ sa kinaing lechong package.
Kita sa video ang palitan ng sagutan ni Marjorie Alison at kliyente nitong kinikilala bilang si Maria Hofs.

Sa video, makikita ang pagpunta ni Marjorie sa bahay ng kaniyang kliyente upang singilin ito sa natitira nitong balanse na 10,200 pesos. Ito ay matapos mag-down ng customer ng 9,000 para sa 18,000 pesos food package.

Ang food package ay naglalaman ng isang buong lechon na nagkakahalaga ng 8,000 pesos, kasama ang isang set ng pagkain na mayroong ulam at prutas.

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang food supplier na si Marjorie Abastas. Ito ay kaugnay sa nag-viral na video niya kamakailan kung saan naningil siya ng balanse ng isang customer. Nagmatigas umano itong bayaran ang balanse dahil sa kanyang reklamong kaunti lang umano ang pagkain na natanggap niya para sa perang sinisingil sa kanya. Nilinaw ni Abastas na kaya niya ipinakita ang kanyang pagsingil ay para sa kanyang kaligtasan

Minabuti ng food supplier na dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan siya sa kanyang problema dahil ayaw umanong bayaran ng isang customer ang balanse ng kanyang bayarin sa food package na binubuo ng isang malaking litson at walong putaheng ulam.

Nilinaw niyang kaya niya kinuhanan ng video ang kanyang pagpunta sa bahay ng nasabing customer para makapaningil ay dahil nangangamba siya para sa kanyang kaligtasan.

Sinabi naman ni Idol Raffy na babayaran niya na lamang ang sinisingil nitong balanse ngunit aniya ay ituloy pa rin dapat nito ang pagreklamo upang maturuan ng leksiyon ang hindi magandang ginawa sa kanya.




WATCH| Full Video ng Nag Viral na Customer na Umorder at ayaw Magbayad kaya Pina-Tulfo at lalo pang Nagalit! WATCH| Full Video ng Nag Viral na Customer na Umorder at ayaw Magbayad kaya Pina-Tulfo at lalo pang Nagalit! Reviewed by Pinoy Trends on July 28, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.