NAGALIT NA? Yorme Isko NaLintikan ni Pangulong Duterte dahil sa Nagviral na Larawan habang Nakapila sa Baha ang mga tao!


Matinding binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nationa Address ang hindi maayos na pagsasagawa ng bakuna laban sa coronavirus-19 o COVID-19.

Tinawag niya ng pabulong na tarantado o estupido ang mga opisyal ng gobyerno o sinomang gumawa nito.

Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung saang lungsod naganap to ngunit sinabi nitong pinanood nito sa telebisyon at pinakinggan sa radio ang naganap.

Hindi umano dapat hinayaan ang mga mamamayan na maligo o pumila sa ilalim ng ulan at gitna ng baha ang mga gustong magpabakuna.

Dapat umanong tiniyak ng mga awtoridad na nasa maayos na kalagayan ang mga nagpapabakuna gaya ng paglalagay ng mga ito sa gym o sa mga eskwelahang hindi namang ginagamit.

Dapat din umanong ayusin ang iskedyul ng pagbabakuna at tiyakin ang mga araw at oras ng pagpunta ng mga tao sa vaccination site.

Ginusto nitong pumunta sa lugar upang sitahin ang mga may gawa ng maling sistema subalit pinigilan siya ng mga Presidential Security Group.






NAGALIT NA? Yorme Isko NaLintikan ni Pangulong Duterte dahil sa Nagviral na Larawan habang Nakapila sa Baha ang mga tao! NAGALIT NA? Yorme Isko NaLintikan ni Pangulong Duterte dahil sa Nagviral na Larawan habang Nakapila sa Baha ang mga tao! Reviewed by Pinoy Trends on July 27, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.