WATCH| Food supplier na si Marjorie Abastas, madaling araw kung magluto ng pagkain para sa mga customer katulad ni Donya Maria Hofs!


Hanggang ngayon ay usap usapan parin ang isyu tungkol sa hindi binayarang food order diumano ni Maria Hofs sa supplier na si Marjorie Abastas.

Umabot na nga sa programang Raffy Tulfo in Action ang nasabing isyu, ngunit desidido parin ang magkabilang panig na ituloy ang mga reklamo nila laban sa isa’t isa.

Sa panayam ng GMA news reporter na si Alan Domingo, ibinahagi ng ina ni Marjorie na si Judisa Abastas ang hirap ng trabaho na ginagawa ng kanyang anak para lamang mailuto lahat ang order ng kanyang mga costumer, kasama na dito si Maria.

Si Judisa ang tumutulong sa negosyo ng kanyang anak kaya naman hindi ito nakatiis na ipagtanggol si Marjorie sa mga taong bumabatikos sa kanila.

Itinanggi nito ang mga paratang ni Maria sa kanila at sinabi na nasa tamang oras ang kanilang pagluluto at tama ang dami ng pagkain na kanilang ibinibigay sa kanilang mga customer.

Ayon sa kanya ay labis siyang nasaktan sa mga akusasyon ni Maria sa kanila na hindi binayaran ng kumpleto ang kanyang inorder na pagkain kay Marjorie dahil hindi daw siya ‘satisfied’ sa ipinadala ng food supplier.

Alas tres palang daw ng madaling araw ay naghahanda na ang kanyang anak kaya naman imposible ang mga akusasyon ni Maria laban sa kanila.

Matatandaan na hindi diumano binayaran ng kumpleto ni Maria na tinatawag ngayong ‘donya’ ng ilang netizens ang lechon, walong side dishes, dalawang tray ng prutas na nagkakahalaga ng P19,200.

Nag viral naman ang video kung saan makikita si Marjorie habang sinisita si Maria.

Umabot na sa demandahan ang nasabing isyu at nangako naman si Maria na itutuloy niya ang kaso laban kay Marjorie at pati narin daw ang mga netizens na bumabatikos sa kanya ay maari ding makasuhan.

Sinabi pa ni Maria na babayaran niya sana ng buo si Marjorie kung hindi ito gumawa ng eksena sa kanyang party.


WATCH| Food supplier na si Marjorie Abastas, madaling araw kung magluto ng pagkain para sa mga customer katulad ni Donya Maria Hofs! WATCH| Food supplier na si Marjorie Abastas, madaling araw kung magluto ng pagkain para sa mga customer katulad ni Donya Maria Hofs! Reviewed by Pinoy Trends on July 31, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.