BULGARAN? Ogie Diaz, binanggit ang diumano’y relasyon daw ni Cong. Dan Fernandez at Ivana Alawi: “Nabalitaan ko naging sila o hanggang ngayon sila”


Nagbigay ng kanyang komento ang talent manager, vlogger at showbiz reporter na si Ogie Diaz tungkol sa diumano’y relasyon ni Laguna first district Rep. Dan Fernandez at internet celebrity na si Ivana Alawi.

Matatandaan na noon pa lamang ay pinag uusapan na ang posibleng relasyon sa pagitan ni Fernandez at Alawi na ilang beses na nakita na magkasama sa publiko.

Naging aktibo din si Ivana sa paglike ng mga litrato noon ni Cong. Dan sa Instagram.

Kumalat din noong 2018 na magkasama ang dalawa sa kaarawan ng internet star na ginanap sa Amerika.

Ayon kay Ogie ay nakaabot din sa kanya ang mga nasabing balita.

“Nabalitaan ko nga naging sila, o hanggang ngayon sila parin nililihim lang,” ani Ogie.

Naniniwala naman si Ogie na wala namang masama kung ilihim ni Ivana at Dan ang kanilang relasyon.

“Yung iba nga magkarelasyon pero tinatago nila na may anak sila,” sabi pa ni Ogie, ngunit hindi naman niya binanggit kung sino ito.

Matatandaan na noong nakaraang taon pa lamang ay nagsalita na si Ivana kung ano nga ba ang totoong relasyon nila ng 54-anyos na representate.

Ayon naman sa kanya ay hindi naging sila dahil ‘babaero’ daw si Fernandez.

“No, we’re friends. Yes, I won’t deny it, we go out with friends. Pero we’re not romantically involved. No! (why not?) Kasi babaero siya, ayoko ng babaero, (laughs) please, wag na. Ayoko ng ganun, gusto ko ‘yung mamahalin ako. Stick to one,”  sabi ni Ivana sa panayam sa kanya ni Boy Abunda noon.

Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 200,000 views ang nasabing vlog ni Ogie.


BULGARAN? Ogie Diaz, binanggit ang diumano’y relasyon daw ni Cong. Dan Fernandez at Ivana Alawi: “Nabalitaan ko naging sila o hanggang ngayon sila” BULGARAN? Ogie Diaz, binanggit ang diumano’y relasyon daw ni Cong. Dan Fernandez at Ivana Alawi: “Nabalitaan ko naging sila o hanggang ngayon sila” Reviewed by Pinoy Trends on July 31, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.