WATCH| AKTWAL Footage ng nangyaring crash ng C-130 ng Philippine Air Force, kumakalat sa social media


Nagdalamhati ang taumbayan sa nangyaring pagbagsak ng C-130H Hercules transport aircraft ng Philippine Air Force na may sakay pa namang 92 na miyembro ng ating kasundaluhan.

Ayon sa ilang ulat ay nag overshoot ang eroplano sa runway kung saan ay sinubukan pa daw nito na makalipad ngunit hindi na nito nakayanan.

“One of our C-130s, while transporting our troops from Cagayan De Oro, na-miss nya ‘yung runway, trying to regain power, at hindi nakayanan, bumagsak doon sa may Barangay Bangkal, Patikul, Sulu,” ani AFP chief Gen. Cirilito Sobejana.

Nakunan naman ng ilang netizens ang nasabing pangyayari at ibinahagi ito sa social media.

Maririnig sa ilang footage na kahit ang mga saksi ay nabigla sa nangyari sa C-130.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang totoong nangyari kung bakit nangyari ang malagim na pangyayari.

Hinimok din ng mga opisyal ng AFP ang mga netizens na wag munang magpakalat ng kung ano anong hindi kumpirmadong balita tungkol sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay mayroong 35 na bigong makaligtas sa insidente habang 53 na sakay nito ang ginagamot sa ngayon.

Eto na diumano ang pinakamalalang pangyayari sa Philippine Air Force sa loob ng 30 taon.

Ang nasabing eroplano ay isa sa dalawang aircraft na mula sa U.S.


WATCH| AKTWAL Footage ng nangyaring crash ng C-130 ng Philippine Air Force, kumakalat sa social media WATCH| AKTWAL Footage ng nangyaring crash ng C-130 ng Philippine Air Force, kumakalat sa social media Reviewed by Pinoy Trends on July 04, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.