WATCH| Aktress na si Kris Bernal, inilabas sa Tulfo ang pangalan ng nag ‘fake booking’ sa kanya at sa iba pang celebrity! Sisikat ka


Ibinulgar ng aktres na si Kris Bernal kung sino nga ba ang pinaghihinalaan niya na may pakana sa 23 fake booking na inilagay sa kanyang address.

Matatandaan na noong Hulyo 3 ay nabiktima si Kris ng sunod sunod na food delivery na ipinadala sa kanya kahit na wala niya itong pahintulot.

“3 new more deliveries for a total of 22 GRAB FOOD DELIVERIES that I didn’t order, all from the same name, JEN JEN MANALO – 0951-0652215. I’m not sure of the number of deliveries already because riders are just consistently arriving!” ani Kris sa kanyang Instagram post.

Hindi naman pinalampas ni Kris ang nangyari at dinala sa NBI ang ginawa sa kanyang fake booking at pati narin sa programang Wanted sa Radyo.

Sa nasabing programa ng mamamahayag na si Raffy Tulfo ay ikinuwento niya na hindi lang siya ang nabiktima ng nasabing fake booking kundi pati narin ang dancer sa Eat Bulaga na si Grace Nera.

Ayon sa kanila ay ang pangalan ng suspek ay Ludilyn Odono.

Naniniwala siya na malakas ang ‘trip’ ng suspek at wala naman talaga itong dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Ang sabi pa daw ni Kris ay may nag uutos lamang daw kay Ludi na gawin ang fake booking, ngunit naniniwala ang aktres na maarin naman daw itigil ng suspek ang ginagawa niya.

Ikinuwento naman ni Grace kung paano niya nahuli si Ludi kung paano nito ginagawa ang fake booking.

2006 pa lamang daw ay gumagawa na daw talaga ng kalokohan at tsimis itong si Ludi na isa daw noon sa mga madalas na audience sa nasabing noontime show.

Ginagamit din daw nitong Ludi ang pangalan ng mga kilalang personalidad para manguha ng pera.

Pinatuloy pa daw ni Grace si Ludi sa kanyang tirahan at doon niya na nga niya nalaman ang kalokohan ng suspek.

“Naisipin ko po na ipa-ring ‘yung phone na ginagamit nung tao [na nanloloko sakin] at sakto po andon sa may dressing room, may binatana po nakikita ko po si Ludi na kumakain po sa kusina ko ‘yung pina ring ko ‘yung phone, sakto nag ring ‘yung phone niya,” sabi ni Ludi .

Sa ngayon ay maaring maharap sa patong paton na kaso si Ludi dahil sa kanyang ginawa.


WATCH| Aktress na si Kris Bernal, inilabas sa Tulfo ang pangalan ng nag ‘fake booking’ sa kanya at sa iba pang celebrity! Sisikat ka WATCH| Aktress na si Kris Bernal, inilabas sa Tulfo ang pangalan ng nag ‘fake booking’ sa kanya at sa iba pang celebrity! Sisikat ka Reviewed by Pinoy Trends on July 06, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.