ASAR TALO? Korina nagalit sa netizen na tinawag na mura ang kanyang tsinelas na pinamimigay: “Kapal mo! Ikaw kaya gumastos ng milyon?”


Hindi nakapagpigil ang mamamahayag na si Korina Sanchez at sinagot nito ang isang netizen na nagtanong kung bakit “mumurahin” ang mga tsinelas na kanyang ipinamimigay.

“Bakit puro mumurahin tsinelas lang binibigay hindi ba pwedeng maayos at matibay na sapatos yun tatagal gamitin,” ani ng netizen.

“Magbibigay din lang kayo yun mapapakinabangan at pangmatagalan na,” dagdag niya pa.


Tila naasar si Korina sa tanong na ito ng netizen kaya naman binanggit ng mamamahayag ang diumano’y milyon milyon niyang nagastos para sa mga bata.

 “Kapal mo. Gumastos ka nga para sa Milyon Milyon bata?” ani Korina.

Agad namang ipinagtanggol ng mga netizens si Korina.

“Puro ka reklamo may naiambag kaba? Yng tabas ng dila mo halatang di ka pinalaki ng mabuting asal…” sabi ng isang follower ni Korina.

“Mabuhay ka Ms. @korina. Continue to bless them and you will be blessed by God at ng iyong followers para sa maraming batang maka pag suot ng tsinelas.” papuri naman ng isa pang netizen.

“Regardless of how big or small help you gave to this children surely this memory will last a lifetime and you will be remembered that once in their life a stranger came to put a smile on their faces.
Kudos Rated Korina @korina“ komento naman ng isa pa niyang subscriber.

Nitong nakaraang Huwebes ay ibinahagi ni Korina ang kanyang pagpunta sa Malolos, Bulacan para mamahagi ng tsinelas na kanya na talagang kinaugalian noon pa.

Pag usapin tuloy ay tsinelas ay madalas ay si Korina ang naiisip ng mga tao dahil sa kanyang adbokasiya.


ASAR TALO? Korina nagalit sa netizen na tinawag na mura ang kanyang tsinelas na pinamimigay: “Kapal mo! Ikaw kaya gumastos ng milyon?” ASAR TALO? Korina nagalit sa netizen na tinawag na mura ang kanyang tsinelas na pinamimigay: “Kapal mo! Ikaw kaya gumastos ng milyon?” Reviewed by Pinoy Trends on July 06, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.