MAY BANTA? Manny Pacquiao to President Duterte: Baka mahilo ka kapag ipinakita ko ang dami ng ebidensiya sa’yo


Patuloy na naniniwala si Senador Manny Pacquiao na madami ang nangyayaring korapsyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang video na inilabas ng DZAR 1026, makikita ang boxer turned senator na naglalabas ng pahayag bilang tugon sa hamon ni Pangulong Duterte na ilabas ang listahan ng mga pangalan ng mga tiwaling opisyal sa gobyerno.

“Kahit anong marating ko sa buhay, anong tugatog ng tagumpay marating ko, ano mang yaman ang makamtan ko ang puso ni Pacquiao ay patuloy na magiging para sa mahirap,” ani Pacquiao.

“I accepted the challenge of the President. Ang dami, ang dami, baka mahihilo siya kapag nakita niya lahat [ng ebidensiya sa korapsyon]”

Ayon sa kanya ay may mga tao na nagtatrabaho dati sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ang nagpasa sa kanya ng mga dokyumento na magpapatunay na may nangyayaring korapsyon.

“Sila mismo ang kusang nag submit sa akin ‘yung mga hindi na nakayanan doon sa sariling ahensya nila [ang korapsyon] sila ang nagpo-provide sakin,” sabi ni Pacquiao.

“Anong gagawin ko? Ibibigay ko nalang sa dapat mag aksyon doon sa korapsyon.

Matatandaan na hinamon ni Pangulong Duterte si Pacquiao na ilabas ang listahan ng mga pangalan ng mga opisyal na diumano’y nangungurakot sa kaban ng bayan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Kung hindi ito magagawa ni Pacquiao sa loob ng isang linggo ay mismong ang Pangulo daw ang pangangampanya laban sa boksingero.

“If you fail to do that, I will campaign against you, because you are not doing your duty. Do it, because if not, I will just tell the people, do not vote for Manny Pacquiao because he is a liar,” pangako ng Pangulo.

Sinagot naman ito ni Pacquiao at itinuro ang Department of Health (DOH) bilang isa sa mga kurap na ahensya ng gobyerno.


MAY BANTA? Manny Pacquiao to President Duterte: Baka mahilo ka kapag ipinakita ko ang dami ng ebidensiya sa’yo MAY BANTA? Manny Pacquiao to President Duterte: Baka mahilo ka kapag ipinakita ko ang dami ng ebidensiya sa’yo Reviewed by Pinoy Trends on July 01, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.