WATCH| Meryll Soriano, ipinakita ang mansyon ng kanyang amang si Willie Revillame sa Puerto Galera "Sobrang Yaman!"


Ibinahagi ng dating aktres na si Meryll Soriano ang mansyon ng kanyang ama, ang tanyag na television host at negosyante na si Willie Revillame.

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Meryll kung paano nila ipinagdiwang ang Father’s Day kasama ang kanyang ama sa mansyon nito sa Puerto Galera.

Pumunta ang mag anak sa Puerto Galera gamit ang chopper na pagmamay ari ng television host.

Makikita sa vlog ang tuwa sa mukha ng kanyang ama na si Willie habang kalong kalong nito ang kanyang bagong apo.

Maraming netizen naman ang namangha sa ganda ng property na pagmamay ari ng Tutok to Win host.

Ayon kay Meryll ay paminsan minsan lang nangyayari na magkakasama silang lahat kaya naman hindi pinalampas ng dating aktres ang pagkakataon na ibahagi ito sa kanyang mga followers sa social media.

“This is a very special day kasi araw ito ng ating mga dakilang tatay,” ani Kuya Wil.

Ipinakita din ni Meryll ang isa sa mga lugar kung saan madalas mag relax ang kanyang ama at pag isipan ang kanyang mga gagawin sa telebisyon.

Ipinakilala din ni Willie ang iba pang parte ng kanyang pamilya.

Umabot ng mahigit isang milyong views ang nasabing video na nakatanggap naman ng papuri mula sa mga netizens.

“Sna tuloy tuloy ang mgndang bonding nyo as Family…that is priceless..” sabi ni Nimrod Bancuyo Jr.

“I love Willie & i love Meryll.. they may not be perfect but you can feel their sincerity.. I’m happy that they get to bond & enjoy each other, especially with Willy enjoying his apos.. I also admire the closeness of Meryll with her siblings like a real “Ate”.. God bless & keep this family,” komento naman ni Babes Diego.


WATCH| Meryll Soriano, ipinakita ang mansyon ng kanyang amang si Willie Revillame sa Puerto Galera "Sobrang Yaman!" WATCH| Meryll Soriano, ipinakita ang mansyon ng kanyang amang si Willie Revillame sa Puerto Galera "Sobrang Yaman!" Reviewed by Pinoy Trends on July 01, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.