Gawa gawa lang? Janno Gibs naniniwala na “hidden agenda” lamang ang pagkalat ng sakit sa Pilipinas: “Duda ko may gumagawa ng sakit”


Nag init ang ulo ng singer at komedyante na si Janno Gibs matapos inanunsyo ng gobyerno ang bagong quarantine classification para sa buwan ng Agosto.

Napabalita na ilalagay muli sa mahigpit na Enhanced Community Quarantine ang buong kamaynilaan mula Agosto 6 hanggang 20.

Isa si Janno sa mga celebrities sa mga naglabas ng init ng ulo gamit ang kanilang social media account dahil sa anunsyo ng gobyerno.

Ayon kasi sa singer ay tila nakakalito ang mga guidelines ng gobyerno tungkol sa ECQ na ipapatupad sa NCR.

Nagtataka siya kung bakit daw ang daming nagpapabakuna ngunit tumataas parin ang kaso ng sakit sa Pilipinas.


“Bakit parang walang nagbago? May delta strain pa! Mukhang hindi matatapos to,” ani Janno.

Isa sa mga suspetsa niya ay baka daw iniimbento na lamang ang kumakalat na sakit ngayon.

Tila pinaniniwalaan din ni Janno ang ilang conspiracy theory na gawa gawa lamang ng mayayaman ang kumakalat na sakit ngayon sa Pilipinas para kontrolin daw ang populasyon ng mundo.


Ilang beses ng ibinasura ng mga eksperto ang mga ‘conspiracy theory’ tungkol dito ngunit madami padin ang naniniwala katulad ng singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Ilan sa mga celebrities katulad ni Maui Taylor at mga netizens ang nag react sa mga pahayag ni Janno.


Pero tila hindi kumbinsido si Janno sa mga paliwanag sa kanya ng kanyang kasamahan sa showbiz.

Samantala ay humingi naman ng paumanhin si Janno sa mga nasabi niya tungkol sa bakuna.


Ayon sa kanya ay gusto niya lamang mabigyan ng kunsiderasyon ang mga nabukanahan na makalabas na ng kanilang mga tahanan.

Sinabi niya din na nakikita niya ang oras na inubos ng mga tao at nagtyaga na pumila para makapagpabakuna kaya naman gusto niya ay makapamuhay na ng normal ang mga ito.

Umabot ng libo libong reactions ang mga nasabing post ni Janno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


Gawa gawa lang? Janno Gibs naniniwala na “hidden agenda” lamang ang pagkalat ng sakit sa Pilipinas: “Duda ko may gumagawa ng sakit” Gawa gawa lang? Janno Gibs naniniwala na “hidden agenda” lamang ang pagkalat ng sakit sa Pilipinas: “Duda ko may gumagawa ng sakit” Reviewed by Pinoy Trends on July 30, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.