NAGKATAON LANG? Sharon Cuneta, huli na nalaman na wala na pala ang kanyang impersonator na si ‘Ate Shawee’: “I was in escape mode”


Labis na ikinalungkot ni ‘megastar’ Sharon Cuneta ang pagpanaw ng kanyang impersonator na si Marvin Martinez o mas kilala sa kanyang screen name na Ate Shawee.

Sa kanyang Instagram post, inamin ni Sharon na huli niya na nalaman na pumanaw na pala ang impersonator niya na napabalita pa na nanghihingi noon ng tulong para sa mga medical expenses nito.

Paliwanag ng aktres ay hindi siya nagbabasa ng mga mensahe sa kanyang cellphone at hindi rin siya masyadong nagbabasa sa social media habang siya ay namamalagi sa Amerika.

“I had deliberately, totally ignored my Philippine phones in the U.S. and enjoyed the radio silence using only my U.S. phone. I hardly checked all my social media platforms and went on them to post then rarely, read and reply to some of your comments.” paliwanag ni Sharon.

“So it was a SHOCK to me to find out that my Official and favorite impersonator, Marvin, our Ate Shawee, had been sick and passed away…I sincerely, deeply am affected by his passing.” dagdag niya pa.

Hindi rin daw alam ni Sharon na mayroong sakit si Ate Shawee dahil sa hindi talaga siya nakikibalita noon sa mga nangyayari sa Pilipinas.

“Napakasakit nito sa akin at sa aking Sharonians. Mahal na mahal ko si Marvin at wala akong kamalay-malay kahit nung may sakit siya dahil I was in “escape mode” for peace kahit sandali lang sa Amerika.”

Ibinahagi din ni Sharon na mayroon siyang mga problema na dinadala kaya humingi rin siya ng dasal sa mga netizens.

Matatandaan na madaming netizen ang nagtataka noon kung nagpadala nga ba ng tulong ang megastar sa kanyang ‘favorite impersonator’ noong humihingi ito ng tulong.

“Marvin was trying to reach you mega.. pleading for financial assistance now he’s gone.. it’s really sad that he’s gone too soon! All we could do is pray for his eternal rest,” ani @maganduska14

Nitong July 28 ay bigong labanan ni Ate Shawee ang kanyang karamdaman na liver cirrhosis.

“Palagi rin po kaming nagpo-post sa social media tungkol sa kalagayan ni Tita Shawee para makarating kay Ms. Sharon Cuneta. Baka-sakaling makatulong siya kay Tita Shawee kahit konti.” kwento ni Rafaela de Jesus na pamangkin ni Ate Shawee.


NAGKATAON LANG? Sharon Cuneta, huli na nalaman na wala na pala ang kanyang impersonator na si ‘Ate Shawee’: “I was in escape mode” NAGKATAON LANG? Sharon Cuneta, huli na nalaman na wala na pala ang kanyang impersonator na si ‘Ate Shawee’: “I was in escape mode” Reviewed by Pinoy Trends on August 04, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.