May Relasyon? Atong Ang at Gretchen Barreto namataan na magkasama sa sabungan ‘Talpakan na!’


Viral sa social media ngayon ang pagsasama ng negosyante na si Atong Ang at ng aktres na si Gretchen Barretto sa isang sabong match na mapapanood online.

Ginanap ang nasabing derby nitong July 30 sa Cavite kung saan ay makikita si Gretchen ang mismong may hawak ng kanyang manok na si ‘Lady Tiger’ na lalaban naman kay 3G Mahiwaga na pag mamay-ari ni Mr. Romy Panganiban.

Katabi ni Gretchen ang kanyang matalik na kaibigan na si Atong.


Mismong ang aktres ang nagpakawala ng kanyang manok habang nasa likod naman niya ang negosyante.

Naging usap usapan na noon pa sa social media kung ano nga ba ang relasyon sa pagitan ni Gretchen at Atong.

Ilang beses na kasing nakita na magkasama ang dalawa kaya naman hindi maitatanggi na mapaisip ang mga netizens kung ‘special’ na nga ba ang kanilang relasyon.


Ngunit sa isang pahayag, sinabi ni Atong na hanggang negosyo lamang ang relasyon nila ni Gretchen.

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.” ani Atong.

Inilabas ni Atong noon ang pahayag matapos akusahan ni Nicole Barreto si Gretchen na inagaw diumano ng aktres si Atong sa kanya.


Sabi naman ni Gretchen ay si Nicole ang umagaw kay Atong kay Claudine Barretto.

“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro –‘yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinagaral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”


May Relasyon? Atong Ang at Gretchen Barreto namataan na magkasama sa sabungan ‘Talpakan na!’ May Relasyon? Atong Ang at Gretchen Barreto namataan na magkasama sa sabungan ‘Talpakan na!’ Reviewed by Pinoy Trends on August 03, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.