MASAMA DAW? Jovit Baldivino, gustong makuha ang anak sa kanyang ex: “Alam niyo na ang tunay na pagkatao niya”


Ikinagulat ng ilang mga netizens ang bali-balita tungkol sa dating asawa ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez.

Ilang investor kasi ang nagpahayag na sila daw ay na-scam ng ‘SCET Colleens Corporation na pagmamay-ari diumano ni Shara.

Ayon sa ilang ulat ay mahigit 8,000 daw na katao ang naging biktima ng kumpanya ni Shara na nag-aalok ng investment sa kanilang mga kliyente.

May ilang netizen ang milyong piso ang nawala matapos silang mag invest sa SCET colleens na nangangako ng 15-20% na tubo kada buwan.

Tila naging pagkakataon naman to kay Jovit na makuha ang suporta ng mga netizens sa kanyang planong pagkuha sa kanyang anak kay Shara.

Sa kanyang Facebook post ay agad na nilinis ni Jovit ang kanyang pangalan at idinistansya ang kanyang sarili sa mga isyu ngayon ni Shara.

Ayon sa Pilipinas Got Talent 2010 first winner ay wala siyang pakialam sa mga taong naloko ng kanyang asawa at gusto niya lamang makuha ang kanyang anak.

“Mawalang galang na po matagal at wala na po akong connection sa kanya, hindi ko nga po alam kung nasaan siya kahit nga po anak ko hindi na niya pinakita sa akin,” ani Jovit.

“Kung ano man pong lumabas na issue o pang i-scam niya, hindi na po bago yun, hehehe. Wala po akong pakialam dyan, problema nya yan at siguro naman po alam nyo na ang tunay na pagkatao niya.

“Ang sa akin lang po e makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama kasi matagal na niya itinatago sa akin syempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko,”

Matatandaan na inulan ng batikos si Jovit noon dahil inakusahan siya ni Shara ng pambababae at pagpapabaya sa kanilang anak.

Nalulong din daw sa sugal noon si Jovit kaya’t nagdesisyon ito na makipaghiwalay na lamang sa singer.

“Sabi niya sakin paglabas daw ni baby magfofocus na daw siya sakin at sa mga bata. Kasi nung buntis ako, puro pagsasabong, barkada at pambababae pala ginawa.” kwento ni Shara noon.

“Alam nating dalawa na hindi ka nagsusustento sa anak mo. Hindi kita inobliga kasi I’m working. Sari saring raket na nga ako e, matustusan ko lang ang anak at sarili ko kasi kung sayo aasa walang aasahan,” dagdag niya pa.

Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Shara tungkol sa mga akusasyon sa kanya.


MASAMA DAW? Jovit Baldivino, gustong makuha ang anak sa kanyang ex: “Alam niyo na ang tunay na pagkatao niya” MASAMA DAW? Jovit Baldivino, gustong makuha ang anak sa kanyang ex: “Alam niyo na ang tunay na pagkatao niya” Reviewed by Pinoy Trends on August 29, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.