IBINUNYAG? Nas Daily, ibinisto na humihingi daw ng tulong sa local vlogger para depensahan siya sa Issue


Tila nilaglag ng isang Filipino vlogger ang Palestinian-Israeli content creator na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Lost Juan ang kanyang opinyon tungkol sa kinakaharap ngayon na kontrobersiya ni Nas.

Matatandaan na inulan ng batikos at akusasyon si Nas matapos nilang ibahagi sa kanilang website na Nas Academy ang diumano’y online course na tampok ang legendary Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Ayon kay Juan ay madami daw ang nagbago kay Nas simula ng maabot nito ang pagiging sikat sa internet.


Kwento niya ay noon pang 2017 ay nakakasama na niya si Nas tuwing nabisita ito sa Pilipinas at kahit anong maari niyang maitulong sa sikat na vlogger ay ginawa niya na.

Ngunit na-realize niya na tila hindi nagbunga ang kanyang mga effort dahil noong siya daw ay humingi na ng tulong kay Nas ay hindi naman siya tinulungan nito.

“Pero unti unti na akong na disappoint sa kanya kapag humihingi ako ng tulong or support nung nagsisimula ako pero never nya ko tinulungan.

“I don’t demand utang na loob pero diba? The first million views nya sa Philippines was the “How cheap is the Philippines and ang laki ng tulong ko non.

“At maraming pang viral videos na sununod.
All in all malaki na ang pinagbago nya, hindi ko na sya kilala as a friend na nakilala ko before.

“Hindi ko sinasabing ginamit lang ako pero parang ganun na nga. But as I said ako naman nagkusa tumulong, yun nga lang naabuso at napag-iwanan sa ere nung ako na ang nangailangan ng tulong.

“With his recent issue about whang-od, when he first uploaded his video about whang-od medyo di ko na talaga nagustuhan when he said “Jungles of the Philippines” until this issue came.” kwento niya.

Ngunit maraming netizen ang nagduda kay Juan dahil isa siya sa mga nagtanggol kay Nas matapos itong batikusin ng isa pang naging kasamahan nito sa isang proyekto.

Paliwanag naman niya ay saksi naman talaga siya na hindi totoo ang mga kwento ng nasabing kasamahan ni Nas.

Ibinahagi niya din sa kanyang mga followers ang diumano’y pag uusap nila ni Nas kung saan ay humihingi ito ng tulong para makumbinsi ang mga tao na hindi niya ginagatasan ang mga Pilipino.

“Do u mind making a post about this if that’s okay? I think many people believe you bcz ure local as opposed to beliving me,” sabi ng diumano’y si Nas.

Umabot na ng libo libong shares sa social media ang nasabing post ni Juan.


IBINUNYAG? Nas Daily, ibinisto na humihingi daw ng tulong sa local vlogger para depensahan siya sa Issue IBINUNYAG? Nas Daily, ibinisto na humihingi daw ng tulong sa local vlogger para depensahan siya sa Issue Reviewed by Pinoy Trends on August 06, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.