HULI AT KULONG? Chairman ng Barangay, 3 iba pa Inaresto ng mga Awtoridad sa pagnanakaw ng Ayuda sa Maynila
Nadakip ang isang barangay chairman at tatlong iba pa sa pagnanakaw umano ng ayudang nakalaan para sa social amelioration program.
Ayon sa mga awtoridad, may natanggap silang ulat ng mga residente na pumunta sa mga claiming area nang malamang may kumuha na ng perang nakalaan sa kanila.
Kasama rito ang residenteng si Jerson Seniza, na ipambibili sana ng pagkain sa pamilya ang ayuda.
“Sabi po ng social worker sa akin, na-claim mo na ah. Sabi ko paano pong na-claim ko na e hindi pa po ako nakakapirma. Nakita na po namin na pumirma. Tinanong ko na yung social worker, pinipicturan po iyon. Nakita na yung mukha. Ginamit po yung pangalan namin. Pambili ng bigas po namin. Hirap at pagod po," maiyak na sabi ni Seniza.
Bago makarating si Seniza, may nauna nang nagpunta na nameke umano ng kaniyang ID, gamit ang kaniyang pangalan.
Bukod kay Seniza, may kumuha rin ng SAP na para naman kay Renerio Salabo.
Agad na nakipag-ugnayan ang Manila Department of Social Welfare sa MPD Special Mayor's Reaction Team at nadiskubre na mga taga-barangay pala mismo ang mga kwatan.
Kinilala ang mga suspek na sina Ex-O ng Barangay 608 sa Sta. Mesa na si Isagani Darilay, at dating tanod na si John Mark Nagera.
Kasama sa inaresto rin ang barangay chairman na si Mario Simbulan at ang kagawad na si Cristina Zara.
Ang kagawad umano ang gumawa ng certification, habang ang kapitan naman ang pumirma.
Chairman ng Barangay 608 sa Maynila at tatlong iba pa, arestado sa pagnanakaw ng SAP @ABSCBNNews 📷 Manila PIO pic.twitter.com/i7NbTvEcPz
— Jerome Lantin (@JeromeLantin) August 27, 2021
"Dala lang ng pangangailan kasi yung isang taon na ECQ, nagka-utang ako sa bahay. Tapos yung panibago na naman, nagkanda baon baon, kuryente, tubig," ani Darilay.
Ayon sa MPD, hindi ito ang unang beses na may inarestong mga taga-barangay dahil sa katiwalian.
“Mayroon nang dating 14 na chairman na na-show cause ng lokal na pamahalaan. At mayroon na ring mga chairman na kinasuhan ng special mayor’s reaction team katulong ang CIDG Manila at kinasuhan. Sila sila din mismo naglalaglagan," ani MPD & SMART chief Police Lt. Col. Rosalino Ibay.
Nahaharap sa mga reklamong malversation of public funds at falsification of public documents ang mga suspek.
HULI AT KULONG? Chairman ng Barangay, 3 iba pa Inaresto ng mga Awtoridad sa pagnanakaw ng Ayuda sa Maynila
Reviewed by Pinoy Trends
on
August 27, 2021
Rating:
No comments: