Hindi Takot? Ogie Diaz, hindi hihingi ng paumanhin sa ikinasal na mambabatas: “Wala naman akong kasalanan bat ako Matatakot”


Walang balak humingi ng sorry ang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz sa representante ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party-list na si Claudine “Dendee” Bautista.

Isa si Diaz sa mga nagbigay ng reaksyon sa mga kumakalat na litrato na kuha sa engrandeng kasal ni Bautista na ginanap sa Balesin Island, Quezon.

Pinaalala ni Ogie kay Bautista na nire-representa ng mambabatas ang mga drivers.

“Grabe si Ate na representative ng mga drivers. Baka naman me accomplishment siya during pandemic, pakilatag ang resibo.” ani Ogie.

Marami ang nag tanggol kay Bautista at hindi naiwasan ni Ogie na makatanggap ng batikos mula sa ilang netizens.

Sa kanyang vlog naman ay sinabi ni Ogie na hindi siya hihingi ng tawad kay Bautista dahil nagbibigay lamang daw siya ng kanyang opinyon.

Naniniwala din si Ogie na hindi porket mayaman ang isang tao ay hindi na ito gagawa ng masama.

“Bakit ako mag-a-apologize e wala naman akong kasalanan. Opinyon ko naman ‘yun e. Saka, alam mo Loi, saka lang nagiging mali ang opinyon mo kung may-ari mismo ng opinyon ang magsasabing mali ang opinyon niya. 

“Sabi nga nila, ‘Ang yaman niyan, kinekwestiyon niyo, hindi niyo kilala ‘yan. Hindi niyo kilala ‘yan napakayaman niya sa probinsya nila.’ So feeling tuloy, ‘pag mayaman hindi mangungurakot.

“Pero ‘di naman natin tinutukoy si congresswoman. ‘Yung akin lang, bakit gano’n? Sinasabi niyo na ‘milyunaryo ‘yan, hindi ‘yan mangungurakot.’” “Pwede niyo bang sabihin sa akin, ‘Hindi bakla ‘yan, maraming anak ‘yan’,” ani Ogie.

Kahapon ay naglabas na ng pahayag si Rep. Bautista tungkol mga natanggap niyang batikos sa kanyang kasal.

Ayon sa kanya ay hindi niya na papansinin ang mga opinyon laban sa kanya at hahayaan niya na lamang ang kanyang ‘legal team’ na gawin ang nararapat.




Hindi Takot? Ogie Diaz, hindi hihingi ng paumanhin sa ikinasal na mambabatas: “Wala naman akong kasalanan bat ako Matatakot” Hindi Takot? Ogie Diaz, hindi hihingi ng paumanhin sa ikinasal na mambabatas: “Wala naman akong kasalanan bat ako Matatakot” Reviewed by Pinoy Trends on August 19, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.