EPAL LANG? Agot Isidro, tinawag na ‘pakialamera’ ng mga Netizen dahil sa mambabatas na pinuna niya galing pala sa mayamang pamilya


Umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang pambabatikos na ginawa ng mga celebrities na sina Agot Isidro, Ogie Diaz, Enchong Dee at Pokwang sa kasal ng isang mambabatas na isa sa mga nagbasura ng prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaan na ilang araw lamang ang nakakaraan ay pinuna ng mga nasabing celebrities ang kasal ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party-list Rep. Claudine Diana “Dendee” Bautista-Lim at childhood friend nito na si Jose French “Tracker” Lim.

Engrande daw masyado ang kasal ni Cong. Bautista dahil ginanap ito sa Balesin Island sa Quezon at ang gown nito ay likha pa ng international fashion designer na si Michael Cinco.


Ilan sa mga nag viral na batikos ay mula kay Agot na sinabi na marami na sana daw mapapakain ang mambabatas kung ginamit niya na lamang ang ginastos niya sa gown pambili ng pagkain ng mga driver.

“That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers. And you’re representing which sector again Cong Claudine Bautista?” ani Agot.

Hindi lahat ng netizen ay pumabor sa pahayag na ito ni Agot at isa na dito ang officer-in-charge ng Davao City information na si Jefry Tupas.


Ayon kay Tupas ay galing sa mayamang angkan ang mambabatas at madami silang negosyo para mabili ang mga gusto nila.

Kahit ang asawa nito na si Lim ay galing din sa mayamang pamilya at kaya daw nitong ibigay ang lahat para sa kanyang kabiyak.

“Cong. Claudine Diana Bautista Lim comes from an affluent family involved in rural banking, real estate, and many other businesses.

“Her wedding was a personal affair and she deserved only the best on her special day. It didn’t have anything to do with the sector that she represents, which she has, by the way, been representing pretty well in Congress.

“Cong. Claudine is married to a son of another wealthy family in Mindanao. Tracker Lim could give his wife everything she wants. Everything.” ani Tupas.

Marami rin daw artista ang nagkaroon ng ‘raket’ dahil sa mambabatas at ilan dito ay maaring kilala ni Agot at ng iba pang celebrities na bumatikos kay Bautista.

“Sharon Cuneta, Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Arci Muños, James Reid, Enrique Gil, Jessie Mendiola, Bamboo, Yeng, Paulo Avelino, JC Devera, Yassi Presman, Aljur Abrenica, Bella Padilla, Andrew E, Julia Montes, Richard Yap, Daniel Matsunaga — ayan.” saad niya.

Pinayuhan naman ni Tupas ang mambabatas na bayaran na lamang sila Agot, Enchong, Pokwang at Ogie para sa kanilang pagiging “pakialamera” at “inggitera”.

Kinuwestiyon din ni Tupas kung bakit binura ni Enchong ang kanyang tweet laban kay Bautista kung saan ay tila pasaring nito na galing sa pera ng bayan ang ginastos sa kasal ng mambabatas.

Hindi naman nagbigay ng tugon si Bautista sa mga batikos na kanyang natanggap ngunit ibinahagi niya naman sa kanyang social media account ang naitulong ng kanyang party-list sa mga driver.


EPAL LANG? Agot Isidro, tinawag na ‘pakialamera’ ng mga Netizen dahil sa mambabatas na pinuna niya galing pala sa mayamang pamilya EPAL LANG? Agot Isidro, tinawag na ‘pakialamera’ ng mga Netizen dahil sa mambabatas na pinuna niya galing pala sa mayamang pamilya Reviewed by Pinoy Trends on August 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.