WATCH| Nakakulong na naman ang Dilawan Blogger na si Bikoy muling Ipinaares†o ng Korte? Bakit Kaya?


Ipinag-utos ng isang korte sa Maynila ang muling pag-aresto kay Peter Joemel “Bikoy” Advincula.

Ito’y bunsod ng kabiguan nitong dumalo sa preliminary conference ng kanyang kasong kriminal kaninang umaga.

Si Advincula ay nahaharap sa kasong Perjury na inihain ng mga flag lawyers na sina Chel Diokno, Ted Te at Erin Tañada.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y pagsisinungaling ni Advincula sa kanyang sinumpaang salaysay kung saan ibinunyag nito ang “Project Sodoma” o ang umano’y planong paupuin sina Vice President Leni Robredo bilang pangulo at Senador Antonio Trillanes, IV bilang pangalawang pangulo.

Idinawit din ni Bikoy sa ouster plot ang mga naturang abogado.

Matatandaan, Peter Advincula alyas 'Bikoy,' hawak na ng PNP; Advincula: Trillanes, LP nasa likod ng Bikoy videos

Matatandaan  nag-iyu na rin ng warrant arrest laban sa kanyan noong 2019

Naghain noon ng reklamong perjury ang Free Legal Assistance Group laban kay Peter Joemel Advincula na nagpakilalang “Bikoy” kaugnay sa inciting to sedition case ng PNP laban sa ilang miyembro ng oposisyon.

Si Bikoy ang sinasabing ginamit ng oposisyon para ikalat ang “Ang Totoong Narcolist” videos na layong patalsikin sa pwesto si Pres. Duterte.






WATCH| Nakakulong na naman ang Dilawan Blogger na si Bikoy muling Ipinaares†o ng Korte? Bakit Kaya? WATCH| Nakakulong na naman ang Dilawan Blogger na si Bikoy muling Ipinaares†o ng Korte? Bakit Kaya? Reviewed by Pinoy Trends on July 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.